Episode 39 Napamulat ako nang biglang tumunog ang aking tiyan sa gutom. Napaupo ako galing sa aking pagkakahiga at hindi ko na maramdaman si Alec sa aking tabi ngayon. Napatingin ako sa orasan at nakitang Nine na pala nang umaga. Tumayo ako kahit wala akong saplot sa katawan at dumiretso sa may CR upang makaligo at makapag ayos nang aking sarili. Nang matapos na akong mag ayos ay lumabas na ako sa aking kwarto at pumuntang kusina upang mag luto sana nang aking breakfast. Pero pagkarating ko agad sa may kusina ay may nakita akong nakahain na mga pagkain at may nakalagay pa na sticky note sa gilid. Binasa ko naman ito at napangiti nang makita ko ang poging penmanship ni Alec. Hey, Gorgeous! I’m sorry kung hindi na kita ginising. Alam ko kasing napagod ka sa ginawa natin kagabi *smirked* a

