"Sorry for being immature. Yes, I planned to break you but along the way my plans backfired on me. Nagayuma yata ako mg kamandag ng tinik mo. I love you, Rose... more than you'll ever know." Magdamag akong di pinatulog ng confession kagabi ni Xavier. Nagulo bigla ang nakahanda kong plano. Nagkabuhol-buhol ang mga emosyon ko at higit sa lahat, letse naging kasing laki na ng malita ang eye bags ko. Halos lutang na nga ako kagabi matapos ng pag-uusap namin este iyong pag-amin niya pala. Di naman ako gaanong nakapagsalita matapos niya akong gulatin sa mga sinabi niya dahil natatakot akong bigla na lang pipiyok iyong boses ko. Si Xavier ang naghatid sa'kin papasok ng silid ko habang nasa kalagitnaan pa ang kasayahan. Matapos niya akong paligoan at bihisan ay di na niya iniwan. Tinabihan n

