Nakasimangot ako habang sinisipat ang suot na two piece sa harap ng salamin habang naririnig mula sa likuran ko ang pag-tatalo nina Cristy at Ellie sa kung ano ang bagay sa'king swimsuit. Nag-video call kasi ako sa kanila upang magpatulong kasi ayokong magmukhang baduy sa harap ng mga kaibigan ni Ms. Avi. Nasilip ko kanina, pawang magaganda at ang sesexy ng mga kaibigan niyang dumating at ang popogi din nung mga kasamahang lalaki ng mga ito. Mukhang kilala din ni Xavier ang mga dumating dahil nasilip ko kanina na masayang bumati sa kanya ang mga ito na para bang matagal na silang magkakilala. Pamilyar iyong mga mukha nung mga lalaki pero di ko lang matandaan kung saan ko sila nakita. Nang tuluyang magkasundo ang dalawa kong kaibigan sa dapat kong isuot para makihalubilo sa mga tao sa

