GALIT NA GALIT si Senador Ledesma sa loob ng korte, dahil hindi nito matanggap ang ipinataw na parusa sa kanilang mag-ina. Napatunayang guilty sila sa ilang kasong isinampa laban sa kanila, kabilang dito ang thief, fraud, embezzelment, and m*rdər para sa magkasunod na pagkamatay sa mag-amang Mr. Yamaguchi, at Christina Yamaguchi. Napatunayang sinadya ang pagkamatay ni Mr. Yamaguchi, dahil sa pang-o-overdose ng mga gamot ni Donya Lavenia, at anak nitong si Reid Uson Ledesma, para makuha nila lahat ang yaman nito. Napatunayan din sa Korte na mismong si Donya Lavenia ang nag-utos sa taong bumangga sa sinasakyang Kotse ni Christina Yamaguchi, kaya ito na aksidenti, at nahulog sa bangin ang minamaneho nitong kotse. Ipinag-utos rin ng Korte na ibalik nila kay Kristine Yamaguchi ang lahat ng m

