SA PAGLIPAS ng mga araw ay unti-unting nakasanayan ni Jay ang bagong buhay na kanyang pinili. Araw-araw ay maaga siyang babangon, at mag e-exercise sa kanyang Gym na nasa basement ng bahay. Parang open space ito kung titingnan, dahil mas mababa ang likurang bahagi ng kanilang bahay ni Joy. Nasa bandang labas naman nito ang swimming pool. Pinalagyan ni Jay ng sliding door ang bahagi ng Gym, para kung gusto niyang mag-aircon ay isasara lamang niya ang salamin. Minsan naman ay nag-jogging siya sa loob ng Subdivision, at iikutin niya nang dalawang beses, saka siya babalik nang bahay para maligo at maghanda sa pagpasok sa opisina. Mula nang nagtrabaho si Jay sa Company ng kanyang mga magulang ay lalong tumaas ang sales nila sa mga nakaraang buwan. Proud na proud naman sina James at Emily, da

