TAHIMIK na naghintay si Jay sa paglabas ng Doctor. Malalim din siyang nag-iisip para sa tamang gawin. Gulong-gulo ang kanyang isipan sa mga oras na iyon. Hindi nito malaman kung matutuwa siya, dahil magkakaroon na siya ng sariling anak, o maiinis sa kan'yang sarili. Isa na namang kahihiyan sa kanilang pamilya ang pagkakaroon niya ng anak sa ibang babae. Napahilamos siya gamit ang kan'yang palad, dahil sa problemang kinahaharap. Hindi rin natuwa ang mga magulang niya nang ibalita niya ito kanina. Ilang buwan na ring maayos na ang samahan nila ng Ama, pero nang sabihin niya kanina ang tungkol sa pagbubuntis ni Aubrey ay muli na naman itong nagalit, at nagbanta sa kaniya. Hanggang sa lumabas ang Doctor at Nurse. Mabilis namang itong sinalubong ni Lira ang Doctor, at inalam ang kalagayan ni

