Nanlalamig ang buong katawan ko. Kahit nakababa na ang mga kaibigan ni Sandro sa pinaka rooftop at sumara na ulit ang elevator kaya mag-isa na lang ako ay parang hindi pa rin ako makahinga. Nahihirapang pinindot ko ang button ng hotel room ko. Nagtutubig na ang mga mata ko at nanginginig ang buong katawan ko. Pinagpapawisan ako ng malamig. Nalaglag pa ang keycard dahil sa panginginig ng kamay ko. Isinarado ko agad ang pintuan at at sumandal dito. Tuluyang nagbagsakan ang mga luha ko. Dumausdos ako pababa sa sahig, napakapit na lang ako sa tiyan ko habang nakasalampak sa carpeted floor. Diyos ko po. Kung totoo ang narinig ko, isa lamang ang ibig sabihin nito. Sobrang tanga ko.Sobrang tanga ko para maniwala na totoo ang sinasabi ni Sandro. Sobrang tanga ko para maniwalang mahal niya tal

