"Buntis po ako at si Sandro ang ama. Pero nagmamakaawa po ako, huwag n'yo po sanang sabihin sa kahit kaynino, tayo lamang ang nakakaalam nito. Hindi ko po kakayanin kung mas magkakagulo pa, kaya sa ngayon ay sasarilinin ko muna ito." Lumambot ang ekspresyon ni Ate Rose. "Ano na ang plano mo ngayon, anak?" Bumuntong hininga ako. "I need to get out of this place po, and please help me." Ate Rose helped me. Mula sa pag-eempake, sa pagbaba ng gamit at maging sa pagtawag ng taxi na masasakyan ko paalis ng bahay na ito. "Mag-iingat ka Sandra. Kung may kailangan ka ay i-text mo lang ako, alam mo ang number ko." hawak niya ang kamay ko ng mahigpit. Tumango ako habang umiiyak pa rin. "Maraming salamat po Ate Rose. Mag-iingat din po kayo. And please, kung makita mo man po ang magulang ko

