Chapter 56

1974 Words

Alessandria Munlaon "Nasaan ang Papa mo?" Nanigas ako sa aking kinatatayuan ng marinig ang tanong na iyon ng batang kalaro ng anak ko sa harapan ng bahay namin. Agad kong nilingon ang mga batang nakaupo sa lupa at naglalaro ng jolen. Naiwan ang paningin ko sa anak kong abala sa pagtarget ng jolen ng kalaro niya, kagat labi pa at sinisipat ang maliit na bolang nakalapag. "Wala na patay na, kasama na siya ni brother Jesus sa heaven." simpleng sagot niya, tumango tango naman ang kasama niya. "Yung Papa ko naman nasa Maynila nagtatrabaho. Konsaksor workar sya doon eh." nabulol pa ang batang kaedad lang din naman nya. Doon tumigil sa ginagawa si Ali. Seryoso niyang tinignan ang kalaro. "Construction Worker 'yon, dapat hindi ka na mabulol dahil five ka na rin like me." pagtatama niya dito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD