Chapter 57

1920 Words

"Itay!" "Alberto!" Sabay pa ang sigaw namin ni Inay at ang paglapit sa dalawa upang mahinto ang nangyari. Niyakap at inilayo ni Inay si Itay samantalang dinaluhan ko si Ma'am Nissa na umiiyak habang sapo ang pisnging sinampal ni Itay. Nakatingin siya sa ama ko habang patuloy ang paglandas ng masaganang luha niya. Hindi ko maintindihan... bakit nagawa iyon ni Itay? "Ma'am, ayos lang po ba kayo?" nag-aalalang tanong ko dito. Inalalayan ko siyang tumayo ng maayos at saka ko tinignan ang magulang kong masama ang tingin sa katabi ko. Kunot noo kong binalingan si Itay. "Bakit po kayo nananakit?" hindi ko napigilan ang pagtaas ng boses. Pinanuod ko kung paano magtaas baba ang dibdib ni Itay at tila nakakamatay ang tingin na ipinipukol nito. "L-lumayo ka sa babaeng iyan, Sandra!" dumagundo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD