Stormie's Pov Masaya ako na mas maayos na ang career ni Sancho ngayong editor in chief na s'ya ng Philomela at matunog na ang pangalan n'ya, jusko bakit ba hindi ko man lang nababalitaan ang tungkol sa pagiging successful n'ya gayong sa iisang mundo lang rin naman kami gumagalaw. "Saan ka pupunta?" Tanong ni Aerom ng maabutan akong pinapatungan ng cardigan ang suot-suot kong high-waist short at halter top. I turn to look at him and smile as I finish putting some tint on my lips. "Titingnan ko lang kung ano ng nangyari sa shooting ng Philomela kasama sina Maver, baka may aberya." I mutter as I put my favorite wedge on. "Hon, dito ka na lang kung may problema tatawag naman sa'yo sina Freen, hindi ba?" Tanong n'yang nagdadalawang isip kong tinanguan. Sandali nga lang kasi an

