Stormie's Pov "Bakit inilalabas nila ang mga gamit mo?" Naguguluhang tanong ni Aerom ng maabutan ang mga bell boy na binubuhat ang maleta ko papunta sa bagong kwartong inupahan ko. "Put that damn luggage down! Iwan n'yo 'yan d'yan." Malakas na sigaw n'ya at ora mismo'y binitawan na nila ang dalawang maleta ko at nakatungong naglakad pabalik sa elevator. "Hon, ano bang problema? Aalis kana? Kailangan na ba nating umuwi?" Malambing na tanong n'ya habang sinserong nakatingin sa 'kin ngunit sa pagkakataong ito hindi ako kinikilig sakanya at sa halip ay nabubwisit lang talaga ako. "Wala, gusto ko lang dumistansya mula sa 'yo." I mutter as I grip into my luggage and was about to start talking when he speak. "Dumistansya sa 'kin para ano? Para mapalapit kay Sancho?" Pag-aakusa n'

