Hindi mapakali si Gale sa isipin at nakatulugan niya iyon.Pagkatapos maligo bumalik si Sean sa harap ng computer at hindi niya na namalayang tumabi ito sa kanya.Paggising niya wala na ang lalaki.Hindi man lang ito nag paalam sa kanya. Siguro nag expect lang siya ng husto pagkatapos nilang mag usap.Pero sa mga nangyayari sa kanila at sa mga iniisip niya mukhang malabo pa ang lahat.Bumaba siya para kumain at wala siyang naabutan doon.Wala si Charrlote at ng tinanong niya ang isang katulong ay maaga din daw umalis si Sophia dahil may ilang aasikasuhin. Wala siyang nagawa kundi kumain mag isa at tumingala sa ere at magtanong kung ano na kaya ang nangyayari sa buhay niya.Gusto niya sanang maayos ang bagay bagay at mapag usapan nila ni Sean ang tungkol sa anak nila bago siya umuwi ng Pilipinas

