"Where is she?!" Humahangos na dumating si Sean sa hospital room kung nasan si Gale at pakiramdam niya puputok lahat ng ugat niya sa sobrang kaba.Kapag may nangyaring masama sa babae hinding hindi niya mapapatawad ang sarili niya. Naka uniform siya at ni hindi na nagawang magbihis.Natanggap niya ang tawag mula kay Jose at kahit nasa gitna ng strategic planning ay agad siyang nag excuse para puntahan ang babae. Nakaupo ang kanyang mga magulang sa sofa at ito ang una niyang napansin.They look dread and worried.Mas lalo siyang kinabahan. Nang sa wakas ay dumapo ang tingin niya kay Gale at halos manghina ang tuhod niya ng makita itong nakahiga sa kama at walang malay.Dahan dahan siyang lumapit sa babae at agad na hinawakan ang kamay nito.Napahinga siya ng malalim at pilit na pinipigilan an

