Pumulting ng isang bulaklak sa pagkalawak lawak na garden si Gale at iyon ang pinang gigilan.Hindi niya alam kung bakit kanina pa nangingitngit yong pakiramdam niya.Imbes na mag enjoy siya dito ay tila mas nagulo ang mundo niya ng makilala ang pamilya ni Sean. "Mga weirdo na tila may kanya kanyang buhay at mundo." Hindi siya lumaking mayaman pero masasabi niyang normal ang nagisnan niyang buhay.Ngayon mukhang alam niya na kung bakit tila may sa litik si Sean. "Pasok ka na sa loob umuulan na" Narinig niya ang boses ng lalaki at agad itong nilingon.Hindi naman siya bulag para hindi malaman na umuulan.At may bubong naman. Hindi niya ito sinagot at inirapan lang ang lalaki.Hindi niya alam kung bakit iritang irita siya dito. "Oh bakit galit ka na naman?" Lumapit ito sa kanya at bigla kin

