Mas lumakas ang ulan at kulog sa labas.Sa sobrang kalituhan kanina ay pumasok nalang siya sa loob ng bahay.Hindi niya na nakita pa si Sean o kahit sino .Maging si Jose tila iniiwasan siya. "Ano bang meron?" Tila may nangyayari at siya nalang ang hindi nakakaalam .Iyon ang pakiramdam niya.Humiga siya sa malambot na kama at tumitig sa kisame.Pilit binabalikan ang naging usapan nila ni Sean kanina. "Iyakin din pala" "Gale ..Mahal na mahal kita" Napailing iling siya ng muling maalala iyon.Paulit ulit iyong nag eecho sa ulo niya. "Gale..Mahal na mahal kita" "f**k you ka talaga Sean ,ginulo mo na naman yong ulo ko!" Nagpabaling baling siya sa higaan.Halo halo parin ang pakiramdam niya.Pilit niyang iniisip kung bakit ganito nalang kung magreact ito.Pilit niyang iniisip kung bakit kailanga

