Zander's POV Sadyang binabagalan ko ang pagkain ko para hindi niya ko mapaalis dito hanggang sa hindi na naman nakatiis si Claire at muli na naman niya kong nilapitan, at hinarap. Halatang-halata sa itsura ni Claire ang pagkainis sa usapan namin hanggang sa muli na naman siyang nag-walk out pero wala ako'ng pakiealam. Simula ng makita ko ang picture nilang mag-ina ay nabulabog na ang mundo ko kaya siya naman ang bubulabugin ko hanggang sa mapaamin ko siya. Maghapon talaga ako'ng tatambay dito sa ayaw, at gusto niya. Natapos na ko kumain pero hindi pa din ako umalis, buti na lang wala silang security guard dahil panigurado inutusan na 'yun ni Claire para paalisin ako dito. Para hindi ako mainip ay naglaro na lamang ako ng mobiles games, at para hindi rin naman awkward na basta na lam

