Claire's POV "Ano 'to Melody, huwag mong sabihin kumuha ka ng slice sa ibinebenta nating cake?" Ang nagtatakang tanong ko sa kanya. "Hindi ah, bayad na yan. Galing yan kay Sir Zander pinabibigay niya sa'yo yan, at mag-meryenda ka daw muna." Ang sagot sa akin ni Melody at sobrang lawak ng kanyang pagkakangiti na tila ba siya ay kilig na kilig. What? Galing 'to kay Zander. Ibig sabihin hanggang ngayon ay nandito pa din siya?! Tatayo sana ako para muli siyang harapin, at this time talagang palalabasin ko na siya pero napaupo ako'ng muli sa sinabi ni Melody. "Wala na umalis na, at may malaking kang problema." Ang nakangiting sabi ni Melody. Problema daw pero todo smile naman siya. "Ano'ng problema?" Ang tanong ko sa kanya. "I think hindi ka titigilan ni Sir Zander." Ang naka-smile pa

