Claire's POV Kinabukasan ay pumasok na ko ulit sa cafe. Wala na ako'ng dahilan pa para hindi pumasok. Bahala si Zander sa buhay niya kung gusto niyang magpatambay-tambay dito, at maglustay ng pera, mag-stay na lamang ako sa office ko para hindi ko makita ang nakakairita niyang face. Inaabangan ko na ibalita sa akin ni Melody kung dumating na ba ang makulit na lalaki pero sumapit na ang hapon ay wala namang Zander na dumating sa cafe. "Bakit parang panay ang tingin mo sa door?" Bigla ako'ng napalingon sa sinabi ni Melody na katabi ko ngayon. Nasa may cashier counter kasi kaming dalawa. Sinamahan ko muna siya dito sa labas dahil maghapon na kong nakakulong, at nakaupo sa loob ng office ko. "Bakit saan ba ko dapat tumingin, inaabangan ko lang kung may customer na papasok para babatiin k

