DAY 5

828 Words
‘Pwede bang pumunta ka rito, marami kasi kaming tinatapos.’- bungad nito saakin ng sagutin ko ang tawag niya. Uwian na namin at hinihintay ko na lang si Evan dito sa room namin. May ilan pa akong kaklaseng nakatambay kaya hindi naman ako natatakot na mag-isa. “Uuwi na ako ng mag-isa tapusin mo na lang yang ginagawa mo.” Alam kong busy siya kaya naiintindihan ko naman. Hindi namang kaso saakin kung hindi niya ako maihatid ngayon alam kong matindi rin ang effort na binibigay niya saakin. “Mag-ingat ka na lang sa pag-uwi. Tatawagan na lang kita kapag nakauwi na ako.” “Ania, sandali! Pwede bang dumaan ka na lang saglit dito. May ibibigay lang ako.” “Hindi ba pwedeng ipagpabukas na lang?” “Hindi pwede! I mean hindi kasi pwede baka mapanis.” Mukhang natatarantang sabi pa nito sa kabilang linya. Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niyang yun. So that means, pagkain ang ibibigay niya. Wala na akong nagawa at sumang-ayon na lang rin ako. Nasa hallway na ako papuntang classroom nila at napakatahimik na rin, nakasarado na rin ang mga classroom kaya hindi ko alam kung tama ba yung sinabi ni Evan kung nasaan siya ngayon. Room 143. Pagkakita ko ng labas ng kwarto hindi ko alam kung kakatok ba ako o kaya naman tatawagan ko siyang nandito na ako sa labas. Pero naiisip ko baka masyado silang busy sa thesis nila at hindi niya na maharap kaya nilakasan ko na mismo ang loob kong kumatok. Nagtataka naman ako pero walang sumasagot kaya naiisipan ko na lang itong pihitin at hindi ko na maipaliwanag ang sumunod na nangyari. “Surprise!!!” sigaw ng mga nandoon na tao. Nagtataka man kaya hinanap ko ng mga mata ko ang nagpapunta saakin dito at hindi naman ako nabiro. May dala itong bouquet of red roses at inabot saakin sabay sabi saakin na “Happy Birthday.” Hindi ko alam sa mga oras na iyon gusto kong maiyak na lang kaya hindi ko na napigilan. Huwag mong sabihing plano niya lahat ng ito. Akala ko hindi niya alam, dahil hindi ko naman sinabi. Nakita ko naman si Vans na lumapit saakin, siguro siya ang nagsabi. Kaya pala hindi niya rin ako binati dahil nakukunwari siya nakalimutan niya at nagtaka rin ako na nagmamadali itong umalis kanina. “Sorry, Wag ka ng magtampo. Happy Birthday.” Sabay yakap nito saakin. “Ikaw bang may pakana nito?” pag-aakusa ko sakanya na siya namang agad niya itinanggi. “Hindi ah, ang magaling mong boyfriend. Nagulat na lang ako na tinext niya ako kagabi na wag raw kitang babatiin dahil isusurpresa ka niya. Ang dami niyang alam.” Kaya naman napatingin ako rito na nakita ko ring napakamot ng batok. Kaya pala pinipilit niya akong pumunta rito. “Sorry, wag ka sanang magalit saakin.” “Hindi ako galit, sana sinabi mo na lang ang dami mong alam.” “Supresa nga bakit ko naman sasabihin sayo? Wala ng trill.” Napailing na lang ako dahil sa sagot nito. Napatingin naman ako sa mga iba pang naroon. Nandito ang mga kaibigan niya at limang hindi ko pa kilala. “Siya nga pala, ipapakilala kita sa mga kasama ko. Kilala mo naman itong mga kaibigan ko hindi ba. Wag mo na silang pansinin. Ipapakilala kita sa mga kagroup ko na sinamahan nila ako sa pag-aayos rito.” “Ang sama mo saamin Evan. I-break mo na nga yan, Ania.” Sabi naman Zed. Binatukan naman agad ito ni evan dahil sa biro nito. Ipinakilala niya ako sa iba pang kasama niya sila pala ang kagroup niya sa thesis nila. Sina Sarah, Kaye at tatlo pang lalaki. “Happy Birthday, Ania. Sana maraming birthday mo pa na magkasama kayo ni Evan.”-Sarah “Mabait at masipag talaga yan si Evan. Sabihin mo lang kapag niloko ka niya kami ang gaganti para sayo.” Kaye. Tipid na ngumiti lang ako sakanila dahil hindi ko alam kung matutupad ko pa yung sinabi ni Sarah. “Salamat rin. Nalaman kong tinulungan niyo siyang gawin ang mga ito.” “Happy Birthday ulit, hindi ko ito na ibigay kanina. Sana magustuhan mo.” May inabot naman itong rectangle na velvet box. Mukhang alam ko na ang laman nun at hindi nga ako nagkamali. It’s a necklace. “Kabibigay mo lang saakin noong mga nakaraang araw ng jewlry sana hindi ka nag-abala. You don't have to put in this much effort; I already appreciate it" maluwag sa kalooban kong saad sakanya. “Huwag kang mag-alala worth it ka namang bigyan.” Hindi ko naman maitago ang ngiti ko ng isuot niya ito saakin. Doon ko narealize na nagsisisi akong nakipagkasundo ako sakanya at narealize ko rin na hindi niya deserve na maging girlfriend ang isang tulad ko. Sana hindi ko siya masaktan kapag natapos na ito. Pero sa tingin ko hindi lang ako ang maapektuhan sa ginawa ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD