“Are you serious with him?” nagulat naman ako ng tanungin saakin yun ni dad. Hindi ako makapagsalita sa sinabi niya pero dapat may sagot na ako. I know that the answer to this isn't difficult to figure out. But right now, two parts of my mind are conflicting.
“What kind of question is that, Dad? You know the answer.”
“I have nothing against him but you know our situation right now. Hindi mo ba nasabi sakanya?” I know what is he talking about kaya nga nagkaroon kami ng kasunduan dahil isa iyon sa dahilan.
“Not yet; don’t worry, I am planning to tell him.” Kapag natapos na ang isang linggo namin. Hindi naman ito nagsalita at tinignan niya lang ako na para bang sinasabi ang dapat kong gawin.
“Aalis na po ako, Dad. See you later.” Sabay hagkan ito sa pisngi.
“Maaga pa ah, ikaw bang magbubukas ng school niyo?” nagtatakang saad nito. hindi ko siya masisi dahil hindi naman ako maagang pumapasok.
"Nope, pero may pupuntahan ako ngayon. Paki sabi na lang kay mommy umalis na ako.” For the first time, maaga nga akong nagising. Hindi ko alam bigla akong nagising ng maaga tapos may narealize ako. Narealize ko na parang parati na lang si Evan ang nag-eefort tutal maggf at bf dapat hindi lang siya ang parating gumagawa ng move. Baka isipin niya hindi ako naging mabuting girlfriend niya so ngayon nga ay papunta ako sa apartment nila. 5:30 palang at 30 mins bago makarating sa apartment nila kung bibilisan ko ang pagdridrive ko. Ang call time namin magkita dapat ngayon ay 7:30 pero dahil hindi ko sinabing pupunta ako sa kanila ngayon ka alam kung magugulat yun. At tama nga ang hinala ko.
“Bakit hindi mo sinabing pupunta ka rito ng ganito kaaga? Pasensya na hindi pa ako nakapag-ayos nagluluto pa ako.” Mukha itong natataranta ng makita ako. Hindi ko alam kung matatawa ako, kanina ng makita niya ako para itong nakakita ng multo.
“Just take your time, gusto mo bang tulungan kita sa ginagawa mo?” suggestion ko.
“Huwag na baka mangamoy diyan sa damit mo. Nagluluto ako ng galungong at bangus para sa mga kasama ko pang-almusal nila paggising nila.”
“Sigurado ka ayaw mong tulungan kita?”
“Sigurado ako, kunin mo na lang yung beacon at ham na nandiyan iyon ang dinala ko para sayo, saka yung fried rice na rin.” Kinuha ko naman ang lunch box na itinuro niya at kumuha ito ng plato at kutsara’t tinidor.
“Pwede ba akong makihingin dito sa isa niyo?” gusto kong i-try kung anong tikim mukhang masarap kasi.
“Sige, kumuha ka lang dahan-dahan ka nga lang sa pagkain niyan baka matinik ka. Suriin mong mabuti.”
“Huwag kang mag-alala magaling akong manuri. Kaya nga sinagot kita.” Ewan, kung saan ng galing yun. Kailan pa ako natutong pimik-up lines?
“Anong sabi mo?” nakakunot na tanong niya.
“wala, sabi ko kumain ka na rin.” Mabuti na lang at busy ito sa ginagawa niyang pagluluto at hindi na rinig ang sinabi ko baka tawanan pa niya ako pag narinig niya ang sinabi ko. “Ano pa ba yang niluluto mo?”
“Ah, sinigang. Binabantayan ko kasing maiigi baka maover cook. Tulad mo kailangan rin bantayan ng maigi baka malinga’t lang ako mawala ka na.” Ano daw? Pumik-up lines, rin ba siya? Oh shoot, that means he heard what I said earlier. It's embarrassing. I feel like I'm turning red because of shame.
“Lalo kang gumaganda kapag namumula. Huwag kang mag-alala kunwari hindi ko alam na kinikilig ka.” Lalo naman nanlaki ang mata ko at kung anong unang nadampot ko ay siyang ibinato ko sa kanya mabuti at nasalo niya naman ito.
“Masama yan, huwag mong paglalaruan ang pagkain. Sayang alam mo bang maraming batang nagugutom ngayon. ” Mukha namang nagulat rin ito sa ginawa ko. Nakita ko namang inilagay niya sa plato niya ang galunggong na nasalo niya kanina. “At ang sarap mo rin palang asarin.” Nanunuksong saad ulit nito. Mabilis na nitong inilayo ang pagkain ng makita niyang dadamputin ko ulit yun.
“Bakit ba ang bilis mong mapikon? Ikaw nga itong nag-umpisa. Sinagot ko lang." Nakakaasar bakit ba nagkakaganito ako. Hindi naman ako ganito ka childish dati. Nakakahiya talaga.