DAY 3

644 Words
“Pwede ba tayong dumaan sa simbahan saglit? Gusto ko lang magpasalamat.” Napatigil naman ako dahil sa sinabi nito. Sa totoo lang hindi ko alam kung kailan ang huli kong punta sa simbahan. Nag-aalangan man pero sumang-ayon na rin ako. Inaya niya akong mag date ngayong linggo at hindi ko alam kung saan kami pupunta. Naalala kong nagpaalam siya sa magulang ko na ilalabas niya ako ngayon at dahil wala naman kaming pasok kaya pumayag rin sila. Nakilala na rin ni Dad si Evan, wala itong sinabi pero alam may iniisip itong iba at mukhang nababasa ko rin ang iniisip niya. “Ayos lang ba talaga sayo?” tanong ulit nito. “Ano ka ba, wag mo nga akong intindihin saka mukhang kailangan ko na talagang magbawas ng kasalan. Sa katunayan nga yan hindi ko alam kung kailan ako huling pumasok ng simbahan at nagdasal.” “Hindi nga? Kung ganun ako pala ang guardian angel mo para mapalapit ulit sakanya.” “Siguro nga. Thank you. Mamaya na tayo mag-usap mag-uumpisa na misa.” ***** “Matanong ko lang, wala ba kayong gig ngayon?” “Meron, katunayan gusto sana kita ayaain na pumunta ulit sa gig namin kung gusto mo.” Katatapos lang naming manuood na sine at kumain sa isang restaurant at kasalukuyang naglilibot kami dito sa mall. “Dumaan muna tayo dito sa may Jewelry shop.” Hindi na ako napalag ng hilahin ako nito. Good thing na rin dahil baka may makita akong magustuhan ko at maidagdag ko sa collection ko. “May nakita ako rito nung isang linggo, sana nandito pa yun.” “Ano yun?” “Couple bracelet siya. Hayun nahanap ko na. Miss pwede po bang makita yun?” may inuro naman ito sa babae. Nang ibaba ito ng babae doon ko na pagmasdan, it’s a silver crub chain with magnetic heart. Ang cute lang. “Nagustuhan mo ba?” “Hmmm, cute siya.” Sabay tango ko pa. “Sir, pero pwede rin po kayong magpaengraved ng initial niyo diyan kung gusto niyo, libre na ho yun.” “Sige, kukunin po namin.” “Pakifill-out na lang po yan, Sir. Saka pakilagay na rin po yung initial na gusto niyong ipaengrave.” “Seryoso kang kukunin mo?” hindi naman ako nito sinagot ang tanong ko pero nang maglabas na ito ng pera at inabot ito doon na ako tumahimik. “Pwedeng sa waiting area na kayo mga ilang minuto niyo lang po hihintayin.” “Galit ka ba?” “Hindi naman, pero nag-alala lang ako hindi ko alam kung bakit.” “Kung iniisip mo dahil sa presyo, huwag kang mag-alala. Pinaghandaan ko ito. Hindi man ito kasing laki ng mga nagregalo sayo sana magustuhan mo pa rin.” Hindi ko alam pero lahat ng nagbigay saakin ng regalo ito siguro ang hindi ko makakalumutan. Hindi ko alam kung bakit. Nang matapos ay agad nitong isinuot saakin ang binili niya. Pinagmasdan ko naman ito, nakita kong isunuot na rin nito ang kanya. Hinawakan nito ang kamay ko saka namin nakitang nagdikit ang heart shape. "Thank you." bukal sa pusong kong sabi. Marami naman ng nagbigay saakin ng mga jewelries na mas mahal keysa rito pero bakit mas na touch ako ng siya mismo ang nagbigay. "First kung gift sayo yan. Sana ingatan mo yan, nasayo ang kalahi ng puso ko at nasaakin naman yung sayo." seryoso pa nito pagkakasabi hindi ko alam kung joke ba iyon pero bigla na lang akong natawa. "Ang corny mo." natatawang sabi ko pa rin, pero napasimangot lang ito. Pero lolokuhin ko rin ang sarili ko kung sasabihin kong hindi ako kinilig sa kakornihan niya. Babae rin ako at makahinaan, pero isa ako sa babaeng patay malisya sa harap ng iba. Kunwaring pakipot pero sa loob-loob nagtatalon ka na sa kilig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD