DAY 2

911 Words
“Akala ko nag-usap na tayo kahapon?” Nagtatakang tanong ko kay Evan ng makita muli ito sa bahay namin. Hindi dahil sa naiinis ako pero kasi nakapag-usap na kaming dalawa. “Hindi mo ba natanggap ang message ko sayo? Nagmessage kasi saamin yung leader namin kagabi na maaga kaming pinapasok, aayusin kasi namin yung thesis namin malapit na rin kasi ang defense namin.” Natahimik naman dahil sa sinabi niyang yun. Hindi ko pa kasi nabubuksan ang phone ko nakasanayan ko na siguro dahil wala naman akong naiisip na tumatawag saakin, may mas pakinabang pa nga saakin ang laptop at ipad ko. “I’m sorry, hindi pa ako nagcheck. Kung ganun, sana dumeretso ka na lang sana sa school.” Katwiran ko lang dito. “Wala na, nandito na ako. Saka, chance ko na rin ito para makasama kita ng matagal baka kasi mamaya hindi kita masamahan na maglunch dahil masyadong busy pero hayaan mo sa uwian ihahatid kita.” Tinignan ko lang ito. Kitang-kita sa mata nito na mukhang puyat dahil siguro sa thesis nila tapos gumising pa ito ng maaga at sinundo pa ako pero hindi pa rin mawawala ang ngiti nito na parang sinasabing okay lang siya. “Wag ka nga ganyan makatingin lalo akong naiinlove sayo. Bahala ka, hindi na kita mabibitawan.” Napakunot naman ako dahil sa sinabi nito. Hindi ko alam kung nagbabanta ba ito or nagbibiro. Pero bakit nararamdaman parang nag-iinit ang mukha ko. *********** “Hoy, Ania. Ano yung nababalitaan kong chismis kayo na raw ni Evan? Totoo ba iyon?” Iyon agad ang bungad ni Vans ng makapasok ako sa room. Inilapag ko naman ang bag ko at ang baon na dinala niya para saakin. Infairness, talagang bumili ito ng bago lunch box at bag nito. “Huli ka na sa balita. Saka hindi yun chismis.” Walang pakialam na saad ko. “So, totoo nga!” Impit na sagot nito. Mukha siya kinikilig na ewan. “OMG, bakit hindi mo man lang ako sinabihan. BFF tayo napakadaya mo talaga. Sa mga chismosang kabilang section ko pa nalaman.” Parang nasasaktang sabi nito kaya inirapan ko na lang ito sa kaartehan niya. “Paano ko naman sasabihin sayo parati kang absent.” Katwiran ko rin “Hoy, kahapon lang ako umabsent gaga. Saka anong ginagawa ng chat?” napailing na lang ako dito dahil wala na akong maidahilan sakanya at hindi ko rin masabi na may kasunduan kami ni Evan. Ayoko na sanang malaman pa niya pero mukhang kumalat na nga ang balita. Paano kung natapos na ang isang linggo? Saka mo na lang isipin yan, Ania. “Wow mukhang may pa lunch ka na rin ah. Ibang klase, ang sweet naman wag mo ng pakawalan yan kung ako sayo.” Napatitig nalang ako sa lunch bag na nasa ibabaw ng mesa ko. Hindi ko namalayang napapangiti ako. Wag pakawalan? Hindi ako sigurado. Umpisa pa lang naman. ********** “Sorry late ako ng 15 mins. Promise hindi na ito mauulit.” Tinignan ko naman ito at mukhang parang sumama sa marathon. Medyo humihingal pa itong habang nagpapaliwanag na parang natatakot na kinakabahan. Bakit kaya? “Huwag mo ng initindihin yun. Magpahinga ka muna, mukhang sumama ka sa marathon.” “Pasensya na talaga. Hindi na mauulit.” ulit muli nito. “Bakit ka ba tumakbo? Sana naglakad ka lang.” nagtatakng tanong ko. “Baka kasi hindi kita maabutan rito. Nagmessage ako sayo pero isang salita lang yung natanggap ko galing sayo. Hindi ko alam kung galit ka, pangalawang araw pa lang natin pero baka galit ka na at ayaw mo nang ituloy ito. Natatakot ako.” Hindi ko alam kung matatawa ako or maawa dahil sa paliwanag niya. Part of me may kasalanan pala ako. ibang sasabihin. “Sorry rin na mis-interpret mo pala ang message ko. Huwag mo na lang pansinin yun ganun lang talaga ako. Hindi talaga ako mahilig magtype ng mahahabang messages. Alam ko namang may dahilan kaya ka nalate sana sinabi mo na lang kung nasaan ka para pinuntahan kita.” natatawang saad ko. mukhang nahinga ito dahil sa sinabi ko at kinalma ang sarili. Napatigil naman ako ng biglang may narealize ako bigla hindi ko alam kung tama ba ang hinala ko pero the way na umakto kasi siya sa harap ko. I’m not sure, mabuti nang maconfirm. “Matanong ko nga, ako palang ba ang nagiging girlfriend mo?” nakita ko naman itong napatigil at tumingin saakin. Hinihintay ko naman itong magsalita pero umiwas ito ng tingin sa iba. It intrigued me, but then I realized it was about his personal life. Medyo napasimangot naman ako dahil naalala kong mas marami pala itong alam tungkol saakin. “Dahil hindi ako marunong manligaw kaya naisip mong wala pa akong nakakarelasyon?” hindi ko alam kung na-offend ba siya sa sinabi ko pero wala naman akong makitang pagkaoffend sa mukha nito. “Hindi sa ganun-”mukhang natapakan ko ata ang ego niya. Minsan talaga hindi ko mapigilan na bibig ko. “Sorry.” “Wag kang mag-alala hindi naman ako na-offend sa sinabi ko. Saka proud naman ako na ikaw ang first girlfriend ko.” Mukha naming sasabi ito ng totoo na hindi ito na-offend at ano raw? Ako talaga ang first girlfriend niya. I couldn't decide whether I should feel happy or guilty in those situations. It was a perplexing blend of feelings that left me confused about how to react.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD