“Napansin kong kanina ka pa tahimik.” Humarap naman ako kay Evan. Makikitang parang wala itong alam kung anong meron sa araw ngayon. Kahit ako ayokong isipin pero kailangan kong gawin ito. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sakanya. “Gusto mo na bang umuwi?” Gusto kong makasama pa kita. Iyon ang gusto kong sabihin pero.
“Pwedeng bang gumala muna tayo bago umuwi?”
“Gusto mong magdate tayo?”
“Hmmm.” Walang pag-aalinlangan tumango ako bilang sagot.
“Hindi mo naman sinabi agad na gusto mo pa akong makasama ng matagal.” Hindi na lang ako sumagot dahil totoo ang sinabi niya pero hindi ko lang mailabas ang nararamdaman ko.
“Saan mo gustong pumunta?”
“Kahit saan.” Basta kasama ka “Kung saan may pagkain.” Narinig ko naman itong natawa.
“Sabi na. Napansin kong mahilig ka pala talagang kumain. Maganda yan magkakasundo talaga tayo. Tara may alam akong masarap na kainan. Kumakain ka ba ng street foods?” Paano naman kasi parati ba naman niya akong pinapakain sinong hindi tatanggi no.
“Hindi ba, hindi safe na kainin yan?” nag-aalangan na sabi ko. Never ko pang natry kumain dahil alam kung hindi ito safe kainin.
“Hindi naman tayo parating kakain, saka may alam akong malinis magbenta ng street food.” Dinala naman niya ako sa isang parang mini restaurant. Makikita mo marami silang iba’t ibang klase ng tindang street foods. Nabibilib rin ako dahil pinipilahan talaga ang mga tinda nila rito.
“Family nina Zed ang may ari nito. Madalas kami rito, minsan tumutugtog kami rito at ang ibabayad nila ay puro pagkain.”
“Evan, mabuti naman at napadalaw ka.” May lumapit saamin medyo may edad na babae. Nakita ko namang nagmano si Evan kaya nakigaya na rin ako sa ginawa niya.
“Kakain po kami tita. Gusto ko pong ipatikim dito sa kasama ko yung mga best seller niyo.” Magalang na sabi nito.
“Ay, sino naman ito napakagandang kasama mo? Girlfriend mo ba?” Matamis na ngiting sabi nito. Sasagot na sana ako ng inuhan ako ni Evan.
“Kaibigan po.” Hindi ko alam bakit parang hindi ako makahinga ng sabihin niya yun. Napalunok na lang at hindi ko ipinahalata ang emosyon ko. Tipid na ngumiti ako sa ginang para hindi niya makita ang nararamdaman ko.
“Ganun ba, mukhang bagay pa naman kayo. Oh, siya pumili na kayo ng gusto niyo at may iba pa akong aasekasuhin. Sana magustuhan mo ang mga pagkain dito, Iha.” Pagkatapos niyang sabi ito ay iniwan niya na kami. Si Evan naman umaktong parang walang nangyari kanina kaya ganun na rin ang ginawa ko. Habang kumakain kami ay panay kwento pa rin nito pero hindi niya tinangkang buksan ang kaninang nangyari. Mabuti na lang at masarap nga talaga ang mga pagkain dito kaya medyo nawala sa isip ko ang nangyari. Naputol ang pagkain namin ng bumalik ang Mama ni Zed at may sinabi ito kay Evan.
“Evan, pwede bang makisuyo sayo. Marami kasing nakapansin sayo na nandito ko. Gusto nilang magparequest na kumanta ka raw. Alam mo namang sikat ka rito.” Kahit ako ay nakikinig na rin sa pinag-uusapan nila.
“Wala po yun, sige po.”
“Ang kinukulit kasi ako ng mga studyante rito kaya sana mapagbigyan mo sila kahit isang kanta lang. Huwag kang mag-alala hindi niyo na kailangan bayaran ang kinain niyo saka dito na rin kayo mahapunan. Ayos lang ba yun.”
“Okay lang po yun tita. Hindi niyo na kailangan gawin yan.”
“Ano ka ba, pambawi ko. O, siya nandoon yung gitara ni Zed sa gilid. Kahit ano nalang ang kantahin mo para matahimik na sila.” At umalis na ito.
“Maiwan muna kita saglit dito, ayus lang ba sayo?”
“Ano ka ba wag mo akong intindihin. Gusto ulit kitang marinig kumanta.” Sa huling pakakataon.
“Wag kang ganyan baka hindi ko kayanin.” Napakunot naman ako sa sinabi niya. Hinihintay ko ang susunod na sasabihin niya pero umalis na ito at pumunta na sa harap.
“Magandang Gabi po sainyong lahat, nandito po ako sa harapan niyo upang handugan kayo ng munting awitin sana magustuhan niyo ho ang kakantahin ko lalo na sa mga nagrequest saakin na kumanta. This song is for you.” Hindi ko alam kung nagkamali ba ito ng sabi na dapat ‘for all of you’. Hindi ko na lang pinansin at nakatingin lang ako sakanya habang na i-strum na ito ng gitara. Bakit parang familiar ang eksenang ito?
Huling Sandali- by: December Avenue
Hindi mapigil ang bugso ng aking puso
Sa tuwing ako'y papalapit sayo
Maaari bang hingin ang iyong kamay
Hawakan mo't huwag mong bitawan
Hindi mapigil ang t***k ng aking puso
Sa tuwing ako'y nakatingin sayo
Maaari bang huwag kang humiwalay
Dahil sandali na lang
Darating din ang gabing walang pipigil sa'tin
Kung hindi ngayon aasa bang maibabalik ang kahapon
Kahit sandali palayain ang pusong 'di mapigil
Sana'y tayong dalawa sa huling pagkakataon na ika'y magiging akin
Hindi matigil ang g**o sa aking isip
At para bang walang kasing sakit
Alaala mong hindi ko malimutan
Oras lang ang may alam
Kung darating din ang gabing walang pipigil sa'tin
Kung hindi ngayon aasa bang maibabalik ang kahapon
Kahit sandali palayain ang pusong 'di mapigil
Sana'y tayong dalawa sa huling pagkakataon na hindi na para sa'tin
At sa bawat minuto
Ako'y 'di natuto
Ipilit mang iba ako'y maghihintay sayo
Ikaw ang aking kapiling sa huling sandali
Kasalanan ba kung puso natin ang magwawagi
Kahit sandali palayain ang pusong 'di mapigil
Sana'y tayong dalawa sa huling pagkakataon na hindi na para sa'tin
Kahit sandali patawarin ang pusong 'di tumigil para sa'ting dalawa
Ang maling pagkakataon na ika'y magiging akin
Hindi ko alam kung namamalik mata ba ako ng makita kong may luhang pumatak sa mata niya at bakit pakiramdam ko ang bigat ng nararamdaman ko. Para akong hindi makahinga sa mga sandaling yun. Natapos nakumanta ito at dumeretso ito kung nasaan ang mama ni Zed. Nakita kong may sinasabi ito. Seryoso itong nakikiusap. Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila. Nang makarating ito sa table namin ay nakita kong inayos na nito ang gamit at nagbabadyang umalis na.
“Halika na, baka hanapin ka na sainyo. Nagpaalam na ako kay Tita.” Seryosong sambit nito. Hindi ko man maintindihan ang inaakto nito pero sumunod na lang ako. Hindi ko alam kung bakit medyo natatakot/kinakabahang kausapin siya ngayon pero kailangan ko talagang masabi sakanya. Gusto kong malaman na rin ang reaksyon niya kung papayag siya.
“Evan, sandali may sasabihin akong importante.” Pigil ko ng makita kong hindi ako nito tinitignan. Napatigil naman ito sa paglalakad at seryosong humarap saakin. Medyo nahihirapan ako pero kinaya kong maging magpakatatag
“Hindi mo na kailangang ipaalala. Natatandaan ko ang kasunduan natin. Hindi ba ngayon ang huling araw natin?
Alam mo Ania, umasa akong sana magbago ang isip mo. Pero ng makita ko kayo ng Ex mo kahapon na realize ko na hindi ko pa pala siya kayang palitan.” Hindi naman na dapat ako magulat. Hindi ko naman maibukas ang bibig ko at magpaliwanag sakanya. Nakatayo lang ako. Ibig sabihin nandoon siya? Narinig niya ba lahat ng pinag-usapan namin ni Ricky? “I’m sorry, kung hindi pa rin sapat para sayo. Sorry, kung nakinig rin ako sa pinag-usapan niyo. Naiintindihan ko na ngayon kung bakit humingi ka lang saakin ng isang linggo. Siguro nga ito na ang huling sandali natin. Sasabihin ko sayong mahal na kita, matagal na. Pero paalam na rin sa huling pagkakataon." Nakatanga naman akong natayo lang doon. Hindi ko naman namalayang may mga luhang pumapatak saakin at pinagmamasdan lang itong lumayo saakin. Bakit nasasaktan ka ngayon di ba ito naman talaga ang plano mo. Oo, ito ang plano ko sa una pero habang tumatagal kaming magkasama ni Evan nakakalimutan ko ang unang plano ko. Hindi ganito ang ganito ang gusto kong mangyari.
....
to be continued...