DECISION

408 Words
Hindi ako papayag na paiyakin niya ako ng ganito. Ayoko sa lahat hindi ako pinagpapaliwanag at hindi naririnig ang side ko. Humanda ka saakin, mabilis naman akong naglalakad para maabutan siya. Nakita ko naman itong tumigil at parang pinusan nito ang mukha niya hindi ako sigurado dahil natalikod ito saakin. “Evan!”Seryosong sambit ko tumigil naman ito sa ginagawa niya pero hindi humarap saakin. “Hindi mo ba pakikinggan ang sasabihin ko? Nagugustuhan na kita. NO, scratch that I like you.” Matapang na sabi ko. Napatigil naman ito sa paglalakad at nang humarap ito mapaklang tumawa ito saakin. Nakita ko ring ang namumugtong mga mata niya na alam kong galing yun sa pag-iyak. “Bakit sinasabi mo saakin ito? Lalo mo lang akong sinasaktan dahil sa ginagawa mo, Ania.”Makikita sa mga mata nito ang sakit na nararamdaman nito. Kaya kahit ako nasasaktan rin. Pero ayoko ring matapos ito ng hindi malinaw saamin ang lahat. Ayoko ng maulit ang dati. Pero kasalanan ko rin kong bakit nangyayari saakin nanaman ito. “Gusto kong ikaw naman ang ngayon magdesisyon, dahil kung ako ang tatanungin ayokong tapusin itong relasyong ito.” “Aalis ka pa rin ng bansa at iiwan pa rin ako, hindi ba?” dahang-dahang tumango naman ako at nakita kong napabuga ito ng malakas halatang nafrufrustrate siya. Tinignan ko naman ito at hinihintay ang sasabihin niya pero bakit natatakot sa magiging desisyon niya. “Hindi ka naman magtatagal doon di ba?” maya-mayang saad nito kaya napatingin ako sakanya. “Hindi ako sigurado kung hanggang kalian ako doon. Pero nasisiguro ko na dadalaw ako rito.” Pag-assurance ko. Kita naman na hindi pa rin ito kumbinsido naiintindihan ko kung ano naman ang maging desisyon niya dahil sino ba naman ang gustong may LDR. Hindi ko rin alam kung magwowork ito lalo nab ago pa lang kami sa relasyon at masakit man isipin pero kung sakali mang itinuloy naming ito at tumagal baka may iba rin siyang makilala. “Pumapayag na ako. Pero gusto kong ibigay mo saakin ang buong tiwala mo at ganun rin ako. Yun lang ang hinihiling ko, magtiwala sa isa’t isa. Dahil kung may tiwala tayo sa isa’t isa hindi tayo mag-iisip ng kahit na anong negatibo.” Seryosong sabi nito. Walang pag-aalinlangang tumango naman ako. Tama, tiwala sa isa’t isa. ; . . . . . . . . . . end. hindi pa ito Epilogue wag atat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD