EPILOGUE

1285 Words
5 Years Later Pagod na binuksan ko ang pinto ng bahay namin. Alam kong wala pa roon si Mommy baka nahumaling nanaman sa pakikipagchimisan niya sa mga kaibigang niyang Amerikana. Si Dad naman may meeting pa kaya malalate ulit siyang uuwi. Ganito parati ang set-up namin tatlo pero nasanay naman na ako dahil ganun rin naman kami dati noong nasa Pinas pa kami.Hindi ko inaasahang tatlong taon na rin pa lang kaming nakatira dito. Para akong banggad na umakyat patungo sa kwarto ko at wala na akong pakialam sa paligid. Gaya ng parati ko ring routine kapag uuwi ay maghihilamos muna at kukuha na pambahay na damit pero napahinto ako ng makitang malinis ang buong cabinet ko. Napakunot naman ang noo ko ng makitang pati ang mga sapatos ko nawawala rin. Bumaba naman agad ako para hanapin si Ate Maggie isang Pilipino na kinuha naming kasambahay. “Ate Maggie!” Tawag ko lang sakanya pero dahil tahimik sa bahay kaya umalingawngaw yun sa buong bahay. Para tuloy akong napasigaw dahil doon. Hinihintay ko namang sumagot pero wala pa rin akong narinig or hindi niya lang ako narinig. Bumaba na lang ako para hanapin siya baka nasa laundry room siya. Pero napahinto ako ng makitang may mga gamit sa baba. Bakit hindi koi to napansin kanina nang umakyat ako patungo sa kwarto ko. Ang nakapagtataka pa ay maleta ko ang mga nandoon. Nagmadali namang binuksan ang laman nito at nakita ang mga gamit kong nandoon. Palalayasin na ba ako ni Mommy? Pero anong nagawa kong kasalanan? Maayos naman kami kanina bago ako pumunta ng trabaho ko kaninang umaga. “Oh, maaga kang umuwi ngayon akala ko sasabay ka pa sa Daddy mo?” Agad na napatingin naman ako sa nagsalita. Nakita doon si Mommy na masayang nakangiti. “Mommy, anong ibig sabihin nito bakit nandito yung mga-” hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng biglang may isa pang taong sumunod na pumasok. “Tita, ito na pa yung susi niyo.” Natahimik naman ito at napabaling saakin. Natakpan ko naman ang bibig ko at hindi makapaniwalang nasa harap ko na siya. Taon na rin ng huli kaming magkita. Gusto ko tuloy maiyak dahil sa pagkamiss sakanya pero pinigilan ko ang sarili ko. “Hindi mo ba ako namiss?” nakangiting sabi niya. “Anong ginagawa mo rito?” Hindi pa rin ako makapaniwala na nasa harap ko na talaga siya. Lumapit naman ito at mabilis na hinalikan ako nito sa labi. “Yan talaga ang bungad mo saakin. Nakakasakit ka ng damdamin, pinuntahan kita kasi namimiss kita tapos parang ayaw mo akong makita.” Kunwaring nagtatampong saad nito. “Hindi lang ako makapaniwala na nandito ka. But I miss you as well.” Bigla naman akong napahinto ng may maalala ulit. “Mommy, bakit nandito pala ang mga gamit ko?” “Dahil pinapaalis na kita. Huwag kang mag-alala nilagay ko na lahat ng gamit mo diyan wala na akong tinira.” Parang balewalang sinasabi niya yun. “Seryoso ba kayo? Sana sinabi niyo naman saakin ng maaga para nakapaghanap ako agad ng apartment ko.” May hinanakit na turan ko sakanya. “Hindi na kailangan, nahanapan na kita ng matitirahan mo. Actually, pinapunta ko pa siya rito sa America para sunduin ka.” Makahulugang sabi nito at biglang tumingin kay Evan. Nalilitong tumingin ako sakanila. Nagkatinginan sila at para bang nakaintindihan na sila dahil doon. “Maiwan ko po muna kayo tita para makapag-usap kayo.” Tumango na si mommy sakanya at ngumiti siya saakin para sinasabing ayos ang lahat. Nang mawala sa paningin naming si Evan ay hinarap ko agad si Mommy nakita ko ang lungkot sa mga mata niya na hindi ko maiintindihan. “Mommy, ano pong nangyayari? May hindi ba ako alam?” Nag-aalalang tanong ko. Pero sa halip na sagutin niya ang tanong ko ay niyakap niya lang ako. “I’m so happy for you, always remember that.” “Ma, bakit nagdradrama ka ngayon? Ano ba talagang nangyayari?” “Matagal na kayong engage ni Evan kailangan niyo na ring asikasuhin ang kasal niyong dalawa. Alam kong kami ang iniisip mo kaya hindi mo kami maiwan rito. Pero maayos na saamin ngayon. Huwag mo na kaming aalahanin. I-focus mo na ngayon ang magiging future mo/ninyo ni Evan.” Naiiyak naman akong niyakap ulit si Mommy. “Thank you po. Huwag po kayong mag-alala dadalaw po kami dito at parati ko kayong tatawagan.” “Huwag mo nang intindihin yun. Kaya nanamin ng daddy mo ang sarili namin.” “Speaking of daddy, alam niya ba ito?” “Alam niya na. Actually, siya talaga ang may plano nito.” Kahit kailan talaga si Daddy. “Sige na puntahan mo na ang Fiancee mo sa labas at nang makaalis na kayo.” “Ho? Aalis na kami agad?” Gulat na tanong ko. Kung hindi ako nagkakamali kararating pa lang niya baka pagod pa siya sa biyahe idadag pang mukhang lumabas pa sila ni Mommy. “Siya na lang tanungin mo.” Agad naman akong lumabas at pumunta sa may backyard naming nakita ko naman itong nakatayo pero nakatalikod saakin. Kaya dahang-dahan akong naglakad para hindi niya ako maramdaman at niyakap ko ito mula sa likod. Mukha namang nagulat ito saglit kinuha naman nito ang kamay ko at hinila niya ako papuntang harapan niya tinuloy ang yakapan namin. Ilang minutong ganun ang posisyon namin dalawa walang nagsasalita pero kontento na kami. Akala ko nung una nang magkasundo kami sa long distance hindi talaga magwowork pero parati kong pinapa-alalahanan ang sarili ko na magtiwala. Noong una mahirap kahit hanggang nagayon. Umuuwi naman ako ng Pilipinas every year, pero yung isang buwan na pananatili ko parang kulang naming dalawa at isang linggo lang ang pwede siyang magfile ng leave kaya talagang sinusulit namin yun. “Sabi ni Mommy aalis daw tayo ngayon? Hindi ba pwedeng ipagpabukas na baka pagod ka pa sa biyahe. Saka para mahintay na rin natin si Dad at makapagpaalam tayo ng maayos.” Paliwanag ko. “Baka kasi mahuli tayo ng flight, Alaska.” “Huh, hindi ba tayo uuwi ng Pilipinas?” “Hindi pa. Gusto kong mamasyal muna bago tayo umuwi. Dalawang linggo lang kasi ang binigay saaking leave sinabi kong ikakasal ako dito.” Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. “Ano? Nagsinungaling ka sa boss mo na ikakasal ka dito.” “Hindi naman ako nagsinungaling dahil totohanin kong dito ikasal.” Seryosong sabi nito. “Akala ko ba sa Pilipinas mo gusto kong ikasal?” “Oo, gusto ko ring sa Pinas ikasal. Pero ayoko namang kukunin kita sakanila ng hindi pa tayo kasal. Kaya humingi na ako ng basbas sakanila.” Emosyonal namang tinitigan ko ito. “Huwag ka nang umiyak, sorry na kung nagugulat kita sa mga desisyon ko ngayon. Promise next time sasabihin ko na.” pinalo ko naman ang braso nito pero alam ko namang hindi ito masakit. “Nakakainis ka.” “Mahal naman kita kaya ayos lang.” “I love you too.” “Sige na magbihis ka na baka mahuli tayo. May binili akong damit mo, yun ang isuot mo papuntang judge mamaya.” “Papuntang Judge?” Nagtatakang tanong ko. “Sorry, nabigla nanaman ba kita? ngayon tayo ikakasal.” Hindi ko na napigilan na pinisil ko ang braso nito. Pero hindi ko rin maitatanggi na masaya ako ngayon. Actually, matagal ko na rin namang prenapare ang sarili ko para sa araw na ito pero dahil ang daming surpresa ng lalaking ito nabibigla pa rin ako. We used to have a one-week agreement back then. Now, we are going to vow to each other for a lifetime. **** End
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD