Chapter 12

1831 Words

“Ba't nagdadabog ka riyan? Kung ayaw mong maghugas ng pinggan, basagin mo na nga naman o mas mabuti pa kumain ka sa dahon!” Bigla akong natigilan sa paghuhugas ng pinggan dahil sa sinabi ni Rose. Nagpakawala ako ng malalim na buntonghininga at pilit na kinalma ang sarili. “Sorry. . .” Tanging ngiwi lang isinagot niya at muling ibinalik ang atensyon sa ginagawa. Si Ate Neza naman ay pinagtatawanan ako habang abala rin sa paggawa ng plates. Hindi ko talaga alam kung anong problema ko at inis na inis ako ro'n sa nakita ko kanina. Eh ano naman ngayon kung magkasama sila, hindi ba? Eh ano naman kung maglandian sila? Pero ayun na 'yon, eh! Gumagaan na nga ang loob ko kay Miguel dahil sa mga natuklasan ko sa kaniya noong mga nakaraang araw tapos makikita ko siyang ang lawak lawak ng ngiti at

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD