“Suko na ako! Ayaw ko na!” Nagulat kaming lahat sa biglaang pagsigaw ni Joel. Kasabay noon ang pagpunit niya sa dilaw na worksheet na sinusulatan niya. “Tang ina ang hirap! Kahit anong pilit ko, wala talaga akong maintidihan!” problemadong dagdag pa niya. Sa hilatsa ng mukha ngayon ng lalaki ay para siyang pagod na zombie at mayroong pinapalamon na isang dosenang anak sa sobrang stress. “Nakakagulat ka naman Joel! Bigla bigla ka na lang sumisigaw diyan. Para kang tanga!” masungit na singhal ni Ria sa kaniya at wagas na inirapan. Tinapunan lamang siya nito ng nanlilisik na tingin. Walang pasabing tumayo si Joel. padabog na kinuha ang bag at lumabas ng classroom. Tahimik lamang kaming nakamasid sa kaniya hanggang sa makalabas. I heaved a deep sigh and shook my head slowly. Wala kaming

