“Limang kalamares, limang betamax,” nakangiting saad ko sa tindero ng street foods. “Sa 'kin din ho,” ani Miguel na halos mapunit na naman ang labi sa sobrang lawak ng ngiti. Inilagay ng tindero sa silver na hotdog plate ang order namin bago iabot sa akin. Naglakad kami ni Miguel patungo ro'n sa saradong tindahan at doon namin iyon kinain. Kung gaano kaingay ang paligid ay taliwas naman iyon sa pagitan naming dalawa ni Miguel. Para siyang batang enjoy na enjoy sa pagkain. Minsan ay may mga binabati pa ito at nakikipagtanguan sa mga kakilala niya. Kulang na lang ay kumandidato na siyang Mayor sa dami ng mga kaibigan niya. He's a social butterfly. He's good when it comes to socializing. Napapansin ko iyon noon pa. Madali niyang nakukuha ang atensyon at puso ng mga tao. Lahat ng nakakasal

