Alam mo ba iyong feeling na nakakapanghinayang, nakakapanlumo at nakakainis? Gano’n na gano’n ang nararamdaman ko ngayon habang nakatitig ako sa quiz kong may nakamarkang 68/70. Wala namang mali sa sagot ko. Malinis din ang pagkakasulat simula sa journal entries hanggang closing entries. Kompleto rin ang mga amount. Ang problema nga lang ay nakalimutan kong lagyan ng double rule iyong sa final answer ko. Nakakabadtrip! Ang tanga kosa part na ‘yon! Ang higpit pa naman ng Professor namin pagdating sa mga gano'ng rules. Ultimo makalimot ka lang ng peso sign or underline ay may deduction na kaagad ang score. Tamad kong tinapunan ng tingin si Erika nang kulbitin n'ya ako. “Bluie tingnan mo 'to.” Tinapat niya sa mukha ko ang test paper ni Ria. Kinuha ko iyon sa kaniya at pinasadahan ng tingi

