Lumipas pa ang mga araw at buwan nang hindi ko masiyadong namamalayan. Ang bilis ng araw! Parang kailan lang ay hindi ako magkandaugaga sa paggawa at pagtapos ng business plan, ngayon ay narito ako para i-defend na ito. Pinaglalaruan ko ang singsing na binigay ni Miguel sa akin noong Valentines upang mabawasan ang kabang nararamdaman ko. Nandito ako ngayon sa harapan ng Dean's Office kasama ang ilang mga kaklase ko. Mula rito ay tanaw ko si Erika na ginigisa ng mga panelist sa loob. Today is already May 15. Isa talaga ito sa pinaka-kinatatakutan kong araw. Kung noong SHS ay may sasalo sa'yong kagrupo kapag ginigisa ka ng panel, ngayon ay wala. Individual ang defense at wala kang aasahan kundi ang sarili mo. Ang mga kinuhang panelist ay hindi basta-basta. Marami na akong nakitang umiiya

