"Miguel, puwede ko bang makuha ang cellphone number mo?" nahihiyang tanong sa akin ng isang babae. Base sa uniform nito at ID Lace ay nagmula siya sa CHMT department. Nagkatinginan kami ni Allen, Damian at Josh bago ako bumaling roon sa babaeng naghihintay ng sagot ko. Pasimple ko rin siyang pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. Ayos ‘to! Malaki ang dibdib, matambok ang puwet, makinis ang balat, sexy, tapos maamo pa ang mukha. . . kaso parang hindi ko yata type. Hindi ko type iyong mga babaeng sila pa ang unang nag-i-initiate at dumada-moves sa lalaki, pero dahil ayaw ko rin namang mapahiya ang binibini na nasa harapan ko. "Kapag kinuha mo number ko, mawawalan ako." tugon ko at nagtawanan naman ang mga siraulo kong kaibigan. Yumuko iyong babae. Napahiya yata kaya bilang pagb

