Chapter 16

2316 Words

“Ano? Bakit hindi ka pupunta?!” singhal ni Rose nang sabihin kong hindi ako pupunta sa birthday celebration ni Miguel. Bukas na iyon ng hapon at gaganapin sa mismong bahay nila. Kagaya nga ng sabi niya sa akin ay naroon rin ang iba niyang kamag-anak at kaibigan. Lumabas na rin naman kaming dalawa kanina. Sumimba kaming dalawa ni Miguel, kumain sa labas, naglaro sa Quantum at nanood ng sine. Alam niya kasing hindi talaga ako pupunta sa mismong kaarawan niya kaya sinulit na namin iyon at sa tingin ko'y naiintidihan naman niya ang dahilan. Padabog niyang binagsak ang hawak na kaldero at nakapamewang na humarap sa akin. “Huy Bluie! Bigyan mo ako ng magandang dahilan kung bakit hindi ka pupunta sa birthday ng ka-ibigan mo?” Matamlay akong bumangon sa aking kama at nagpakawala ng buntonghin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD