"N-ay ang anak ko po," paulit - ulit niya iyong iyak kay Yaya Lilit noong makarating sila sa ospital. Mahigpit na yakap at h*god sa kanyang likod ang sagot nito. Maging ito ay kanina pa umiiyak. Katulad niya ay nanghihina rin ito sa nangyari kay Serenity. "H-intayin natin ang sasabihin ng doktor, Hija," halos hindi pa nito mabigkas iyon. Tahimik siyang humagulhol habang naghihintay sa labas ng emergency room. Nanginginig ang mga kamay niya at halos ayaw tingnan ang mga iyon. May bahid pa kasi ng dugo mula sa pagkakabuhat niya sa anak. Ulo ang napuruan dito pero ayaw niyang mag-isip ng masama. Panalangin niya ay makaligtas ang anak niya. "H-indi ko alam kung ano'ng oras darating ang asawa mo. Hinabilin ko sa driver na tawagin ito at ipaalam kung nasaan kayo—" "Huwag na po tayong umasa

