CRYSTAL'S POV Since that dinner, akam niyang hindi na kanya si Raphael. Hindi naman sa inaako ang lalaki pero asawa pa rin niya ito. Kaya lang, alam niyang... wala na itong interest sa kanya. Hindi na ito ang Raphael na nakilala niya. Labis siyang nasaktan sa pag-iwan nito sa kanya at piliing sumama kay Courtney. Pakiramdam niya tuloy napakalayo na ng asawa niya. Mas lalo pa siyang nagduda sa palagiang pag-alis nito ng bahay at pag-uwi ng disoras. Noong una ay pinapansin niya pero kalaunan ay nasanay na siya. Para siyang hangin sa bahay nito. Nag-aalala na nga sa kanila si Yaya Lilit pero sinabihan niya itong hayaan na lang si Raphael sa gusto nito. Kung wala itong oras para sa kanila ay ayos lang kahit na.... masakit. "Hindi na ako natutuwa sa asawa mo. Para bang binata at nakalimutan

