COURTNEY'S POV Ilang beses niyang sinipat ang sarili sa salamin habang nasa loob ng banyo. Bagong ligo siya, gusto niya ay maganda at mabango siyang lalabas sa banyo lalo pa't may naghihintay sa kanya. Napangisi siya. Hindi siya makapaniwalang naisama niya ito sa condo niya. Akala niya ay mahihirapan siya ngunit hindi, mukhang plano din nito ang plano niya. Inalis niya ang tuwalyang nakabalot sa kanyang basang buhok at agad na pinasadahanan ng blower upang matuyo. Inayos niya rin ang robang suot. Nag-spray din siya ng mamahaling pabango sa buong katawan. Maging ang mga labi ay hindi niya kinalimutang lagyan ng pulang lipstick. Isang tingin pa sa salamin bago niya tinahak ang pinto palabas ng banyo. Agad siyang napangisi muli matapos itong makita sa sofa. Bagong paligo din ito. Mamasa-m

