"Gosh," hindi makapaniwalang bulalas niya matapos makita ang dalawang pulang linya sa hawak niyang pregnancy test kit. Napasandal siya sa sink at napatakip sa kanyang bibig. Iyon kasi ang inasikaso niya pagdating sa opisina. Hindi siya mapakali at excited siya simula kagabi. Pero ngayong hawak ang ebidensiya na buntis siya, kinakabahan naman siya. Gusto niyang maiyak. Alam niyang ang baby niya ang susi upang tuluyan ng hiwalayan ni Royce ang Ate Courtney niya. Kagabi nga ay ayaw pa nitong umalis agad pero pinagtabuyan niya lalo pa't baka masabi niya agad ang hinala niya. Inalis niya ang pagkakatakip sa bibig at dinantay ang palad sa impis niyang tiyan. Napangiti siya dahil sa buhay na naroon. Mamaya ay papatingin siya sa doktor para naman maging healthy ang pregnancy niya. "Hold on, Ba

