Kiera’s POV
Papasok na kami ngayon ni Harlow sa magiging room namin. Nauna na kasi ang iba dahil naging mabagal ang pagkilos ni Harlow. Lagi palang late ang babaeng to, dinadamay pa ako. Aba!
Pumasok kami sa loob ng classroom. May teacher na nagsasalita.
"Ms. Miller, tell me why you are late again?" Sabi nung teacher
"Ms. Gregorio, you knew the reason. So, excuse us." Hinila ako ni Harlow pero nakakadalawang hakbang palang ako ay nagsalita na si Ms. Gregorio.
"Why don't you introduce yourself first, newbie" Sabi ni Ms. Gregorio
"Ah yeah, sorry Kiera, nakalimutan ko haha" Sabi ni Harlow tapos ay iniwan na ako sa harap at umupo na sa tabi ni Isabella.
Pumunta ako sa gitna at ngumiti sa mga magiging kaklase ko
"Goodmorning everyone, I am Kiera Luxy Ainsley. 18 from district 20." Pagpapakilala ko
"What's your power and ability?" tanong nung isa kong babaeng kaklase sa harap.
"Ahm, my power is air and ability of mind reading"
"Seriously? You're weak naman pala, bakit nasa fourth year ka agad." Mataray na pagsalita nung babaeng nasa likod
"Oo nga, baka chamba lang yung nangyari nung examination." Sabi ng babae sa kanan nung unang nagsalita
"Masyado syang papansin." Pagsegunda naman ng babaeng nasa kaliwa nung unang nagsalita.
"Okay, girls that's enough. Ms. Ainsley, you can now sit."
Ngumiti nalang ako. At hindi na pinansin ang mga paniniwala sa tatlong babae na yon. Lahat sila ay nagbubulungan sa nangyari nung examination. Pumunta ako sa pwesto ni Harlow na kumakaway sa akin. Pagkalapit ko ay sinabihan nya lang akong wag pansinin yung mga nagsasalita na sya namang tinanguan ko. Umupo ako sa tabi ni Harlow. Nasa mga dulo ako, ibig sabihin ay katabi ko lang ang dingding. Buti nalang walang bintana dito, ayaw ko kase ng sobrang liwanag.
Nakita ko ang mga lalaki sa likod namin, at si Draco na nasa likod ko lang na nakatingin sa harapan na parang hindi pinansin ang pagtingin ko. Haynako buhay! Ayaw rin siguro sa akin ni Draco tulad ni Dominique.
Nagsimula ang klase at naninibago lang ako dahil hindi naman ako nakakapasok sa paaralan noon pa man. Wala kasing kahit anong istablisyemento sa district 20. Tanging mga tindahan at mga bahay lang, walang paaralan, walang ospital, walang ibang negosyo, makikita mo lahat yun sa mismong bahay o palengke. Ganon kahirap ang aming distrito.
May nabasa ako noon na nakakatamad daw ang mag-aral dahil puro pag aaral lang daw ang ginagawa pero sa lagay kong ito ay hindi ako tinatamad. Gusto ko ang mga tinuturo ng mga guro dito, madami na akong natutunan. Tulad ng mga asignatura ng English, Filipino, Math at Values. Ang apat pa naming asignatura ay tungkol mismo sa aming magiging katayuan sa buhay, tulad ng History ng aming bansa, maging ng marangyang paaralan na ito. Physical Combat na kung saan hinahasa ang iyong pakikipaglaban. Physical Education na pinapalakas ang istamina ng bawat estudyante at panghuli ay ang Power and Ability, dito namin pinapalakas at ineensayo ang bawat kapangyarihan at ability na meron kami.
Magaganda hindi ba? Matagal ko na talaga itong pangarap. Mabuti nalang at nakapasok ako.
Lunch break na at oras na para kumain. Dumiretso kaming pito sa Food Hall. Pumila kami at kumuha na ng pagkain. Nagsisimula na namang dumaldal ni Isabella at Harlow nakikisali naman si Carter at paminsan minsan ay pati si Luke. Si Dominique at Draco naman ay magkatabi at tahimik na kumakain. Close kaya sila?
"Huy Kiera, hindi ka samin nakikinig!" nagtatampo ba si Harlow? "Tinatanong namin kung kamusta ang unang araw mo sa klase?" ah, yun lang pala hahaha
"Maayos naman. Nasisiyahan ako sa lahat ng subject dito. Napag-aralan ko na ang tinuro kanina sa English, Math at Filipino kaya madali na lang saakin."
"Nakakapagtaka talaga. Paano mo yun napag aralan kung mahirap lang ang district 20?" pag uusisa ni Luke, napatingin naman silang lahat sakin, maging ang dalawang tao na kanina pa tahimik na kumakain.
Bumuntong hininga muna ako bago sumagot. "Madami kasing libro sa bahay namin. Galing lahat yun kay papa na lumaki sa Centro ng probinsya natin kaya naman dinala nya daw lahat ng libro sa bahay, simula apat na taong gulang ay binasa ko na ang lahat ng iyon kaya may alam na ako kahit papaano." Sa haba ng sinabi ko ay naintindihan naman nila kaagad. Agad ding bumalik sa dati si Dominique at Draco.
"Ako nga ay tinatamad na, paulit-ulit na nilang tinuturo ang Values, sa Math naman ay pahirap na ng pahirap, ang English at Filipino naman ay madali lang intindihin." Pagmamaktol ni Isabella
"Alam nyo ba, para sakin, ang buhay ay isang beses lang binibigay ng maykapal kaya hanggat nabubuhay ako gusto ko laging may malaman, gusto kong umintindi ng bawat tao at gusto kong maintindihan din nila na hindi lahat ng tao ay nasusunod ang gusto, masarap sa feeling kapag nakasunod ka lang sa agos ng buhay. Aalalahanin mo lang ay kung paano mabuhay at pag nagawa mo, edi masaya nga." Napatawa nalang ako dahil halatang hindi naintindihan ni Carter at Isabella ang sinabi ko. Hahahahaha
"You're being weird, Kiera, kapag tungkol sa buhay ang usapan." Natatawa ding sabi ni Luke
Nang matapos ay nagpalit agad kami ng ibang uniform. Pero hindi ko alam kung para saan to.
"Harlow?" Pagtawag ko ng matapos naming isuot ang uniform na ito
"Hmmm?"
"Anong tawag dito? Ahm, sa suot natin? Hindi ko kasi alam kung anong tawag dito e." inosente kong tanong, kase seryoso, wala namang gantong damit sa distrito namin. Tanging mahahabang damit lang na kung tawagin nga ay dress.
"P.E. uniform yan, T-shirt at jogging pants ang tawag dyan. Hindi mo talaga alam yan?" Umiling ako.
Tinuro nya ang sapatos na suot ko. "Eh ayan alam mo?" Tumango nalang ako, nakakita na ako ng ganito sa libro sa bahay eh. Rubber shoes ang tawag.
"Ang weird mo talaga!" Tumawa sya at hinila na ako palabas ng aming kwarto.
Pumunta kaming field. Ang init naman, mahina ang mga mata ko sa liwanag na lugar. Haynako naman! Sikat pa ang araw kaya talagang masakit sa mata ko. Naniningkit na nga ito eh.
"Suotin mo muna to, hindi ko naman gagamitin." Sinuot sa akin ni Luke yung salamin na kulay itim.
"Ayos pala to, hindi na ako nasisinag. Salamat Luke!" Nginitian ko sya at ganon din ang ginawa nya. Hinawakan ang tuktok ng ulo ko at tsaka pumila sa hanay ng lalaki dahil dumating na ang guro namin para sa Physical Education.
Pinag warm up nya lang kami. Yun daw ang tawag sa pag sisimula ng gagawin namin. Dahil baka daw mabigla ang aming katawan.
Pinatakbo lang kami ni Mr. Hartz paikot ng field, matapos ay pinagtatalon kami. Madami ding kagamitan na gagamitin namin. Madami pa sa aming ginawa. Matapos ang dalawang oras na ang daming ginawa ay grabe ang pagod ko, ibig kong sabihin, halos lahat pala kami.
Tinignan ko isa isa ang mga kaibigan ko. Pero napako lang ang tingin ko kay Draco na nakikipagtawanan kasama si Luke at Carter. Ang sarap naman nyang titigan habang tumatawa. At ang gw-... Hala!! Luxy, ano bang sinasabi mo!! Tumigil ka nga! Grabe!! Mali to! Hindi pwede! Nakita ko na lumalapit si Dominique kay Draco, nagusap sila saglit at umalis na. Huh? Saan sila pupunta?
"Tara na muna, magpahinga muna tayo kahit 30 minutes lang. Physical Combat naman ang sunod nating subject. At mas nakakapagod yun." Si Carter na ang nagsalita dahil hinihingal padin si Harlow at Isabella.
Nang makarating sa Training Hall ay, naghanap na agad kami ng mauupuan. Sakto naman na walang nakapwesto sa likod.
Ang Training Hall ay isang mataas at malaking kwarto. Kahoy lamang ang sahig na aming inaapakan, at isang matibay na dingding na kulay pilak. Sa kanang gilid nito nakalagay ang mga upuan na syang inuupuan namin, sa tabi nito ay isang mahabang - mahabang mesa at nakapatong lahat doon ang iba't ibang klase ng sandata, nakaayos din ang pagkakalagay nito.
"Hello, students. Ngayon ay magsasanay lamang tayo. Lahat kayo ay maghanap ng makakapareha at kumuha ng gagamitin nyong sandata." Sabi ng guro.
Agad akong pinag agawan nila Isabella at Harlow, gusto daw nila akong makapareha, hindi ko naman alam ang sasabihin dahil ayokong may malungkot sa kanila. Tulungan nyo naman po ako dito, nag aaway na sila para lang makapareha ako.
"Tama na nga yan. Ako ang makakaparehas ni Kiera ngayong araw, sa susunod na kayo." Buti nalang niligtas ako ni Luke, kung hindi ay baka lasog lasog na ang katawan ko sa dalawang yun hahaha
"Mag jack'n poy kayo, ang Manalo ay syang makakapareha ko bukas." Kinindatan ko silang dalawa. Ginawa naman agad nila yun, hahaha grabe itong mga to. Nag aaway talaga.
"Luke, Salamat. Akala ko mababali na ang lahat ng buto ko sa katawan kanina. Ang sakit nilang manghatak haha" Tumawa din sya.
"Ginamit na nila ang lakas nila kaya ganyan kasakit yan. Gustong gusto ka talaga ng dalawang yun, kaya hindi malabong -----" hindi ko na narinig yung sunod nyang sinabi dahil tinabingi nya yung ulo nya at binulong nalang. Hindi ko agad nagamit ang kapangyarihan ko dahil natapos na agad nya yung sasabihin nya.
"Ano ulit yung sinabi mo? Hindi ko narinig e."
"Wag mo ng pansinin yun hahaha" Hinawakan nya muli ang tuktok ng ulo ko tapos iginiya para maupo.
Hinayaan ko nalang dahil nagsisimula ng magtawag yung guro na Mr. Chen pala ang pangalan ng unang maglalaban sa gitna.
Tinawag na si Carter at isa naming kaklaseng lalaki. Unang sumugod si Carter, sa huli ay napatumba nya din ang lalaki ng may mga sugat.
"Ang galing naman nya." Bulong ko sa aking sarili. Tanging galos lamang sa kanyang balikat ang natamo nya subalit yung kalaban nya ay nakahandusay na sa sahig.
Sunod na tinawag sila Harlow at Isabelle. Sino kaya ang nanalo sa jack'n poy nila kanina, natawa nalang ako sa isip ko. Nag sasagutan lang sila kanina tapos ngayon ay magkapareha na silang dalawa sa laban na ito. Nakakatuwa lang.
Sabay silang sumugod, mabilis na naiwasan ang parehong atakeng palapit sakanila. Sa huli ay si Harlow ang natirang nakatayo kahit sila ay parehas ng hingal at madaming sugat sa iba't ibang bahagi ng katawan.
Tinawag na rin si Dominique at Draco. Sila na naman ang magkasama?
"Luke, close pala sila no?"
"Ah yes, silang dalawa lang kasi ang nagkakaintindihan,"
"Paanong nagkakaintindihan?" pagtatanong ko
"Parehas silang tahimik diba? Kaya ayun nagkakaintindihan sila. Pero ewan ko din, diko sila maintindihan e." Napatango nalang ako ng wala sa oras.
Kahit hindi ko masyadong naintindihan ay naliwanagan ako na dahil tahimik silang dalawa ay yun ang ibig sabihin ng malaki nilang koneksyon sa isa't isa.