JERLYN
Biglang sumama ang pakiramdam ko na parang lalagnatin ako. Kaya inayos ko ang mga gamit ko para umuwi. Total wala naman ako'ng ginagawa dito. Ayaw ko na magpaalam kay Arnel dahil hindi niya naman ako sasagutin. Nang maayos ko ang mga papel sa mesa. Nilagay ko sa loob ng cabinet at kinuha ang bag saka ang paper bag na may laman na pagkain. Ibibigay ko ito kay Mama at Papa. Tumayo na ako para umuwi. Nakita ko ang isa sa body guard ni Arnel na papasok yata sa kanyang opisina kaya nakiusap ako sa kanya na sabihin sa amo nila na mauna na ako'ng uuwi dahil masama ang pakiramdam ko. Pagkatapos naglakad na ako palabas ng munusipyo. Nakayuko lang ako hanggang sa makalabas ako ng munusipyo. Pumunta ako sa malaking puno ng acacia para maghintay ng trysikel na masasakyan. Habang nakayuko dahil sobrang hilo talaga ng ulo ko ng may huminto na motor sa harapan ko. Hawak ko ang aking sintido inangat ko ang aking ulo. Si Arnel na seryuso ang mukha. Hindi ako kumilos dahil hindi naman siya nagsasalita. Kaya umiwas ako ng tingin at humakbang palayo sa kanya.
"Sakay na ihahatid kita. Sabi ni Mommy kanina ihahatid kita sa bahay niyo." Aniya ngunit hindi ako nagsalita. Sakto na may dumating na trysikel kaya pumara ako at sumakay. Pagkasakay ko, sinabi ko kay manong kung saan ako magpahatid. Nakita ko si Arnel na humarurot ang kanyang motor. Sa halip na umuwi ako sa bahay nagpahatid ako sa burol kung saan nuon ang tambayan naming dalawa. Inalagaan ko iyun at nagpagawa pa ako ng kubo dahil ang akala ko magiging love nest namin kapag bumalik siya pero hindi na pala mangyayari.
"Salamat Manong." Pasalamat ko sa trysikel driver pagbaba ko ng kanyang trysikel at dumiretso sa burol. Umupo ako sa loob ng kubo. Mapait ako'ng napangiti habang tinitingnan ang mga pictures namin ni Arnel. Dahil nga gusto ko nang mag move on, kinuha ko ang mga pictures saka tinago sa aking bag. Gusto ko sanang punitin pero hindi ko ginawa. Paglabas ko sa kubo napa kunot ang aking noo ng makita ang motor ni Arnel na papalayo. Anong ginagawa niya dito? O baka may pinuntahan sa kabilang Lugar. Nag muni-muni ako ng isang oras bago nag desisyon na umuwi. Naisipan ko rin na huwag na muna dito bumalik para maumpisahan ko na ang pag move on. Bumaba na ako sa burol saka nag-abang ng trysikel. Maya-maya may dumating naman kaya nagpahatid na ajo sa bahay. Pagdating ko nanunuod ng tv si Mama at Papa. Nagmano ako saka binigay ko ang dala ko'ng pagkain na hindi ko naubos kanina.
"Bigay ni Tita Mina kanina Ma. Hindi ko naubos kaya dinala ko sa inyo. Pasok muna ako sa kwarto ko Ma." Paalam ko sa kanila. Hindi ko na hinintay ang sagot ni Mama at Papa. Dumiretso na ako kaagad sa kwarto. Pagpasok ko sumalampak ako kaagad sa kama. Nakaramdam ako ulit ng sakit ng ulo, kaya pumikit ako hanggang sa tuluyan na ako'ng nakatulog. Nagising ako sa mahinang tapik sa aking balikat. Kaya dahan-dahan ko'ng minulat ang aking mata.
"Sabi ni Arnel masama ang pakiramdam mo. Sinabi daw ng body guard niya kanina. Nagpadala siya ng gamot at pagkain. Kaya bumangon ka na para makakain at makainum ng gamot mo anak. Okay na ba kayong dalawa ni Arnel? Nag-usap na ba kayo?" Tanong ni Mama. Tumango lang ako para hindi na si Mama magtanong. Alam din naman kasi nila ang lahat tungkol sa amin ni Arnel.
"Masakit pala ang ulo, bakit hindi mo sinabi sa amin? Kamusta ang pakiramdam mo ngayon? Masakit pa ba ang ulo mo?" Tanong ulit ni Mama.
"Salamat Ma. Ayos lang ako Ma. Inaantok lang ako kanina kaya nang makatulog ako nawala naman. Pasok lang ako sa banyo Ma." Paalam ko kay Mama. Bumangon na ako sa kama saka dumiretso sa banyo. Lumabas naman si Mama at sinabi na hintayin nila ako ni Papa para makapag hapunan ng sabay. Habang naghilamos ako, napaisip ako sa sinabi ni Mama na nagbigay si Arnel ng pagkain at gamot. Kung saan ako mag-umpisa nang mag move on saka naman may pa ganun siya. Naisip ko bigla na baka inutos ni Tita Mina sa kanya kaya nagpadala siya ng pagkain. Pagkatapos ko'ng maghilamos, pinatuyo ko ang aking mukha saka lumabas na ng kwarto. Paglabas ko, nakita ko ang isang bilao ang nasa gitna ng mesa. May buttered shrimp, fried chicken, beef broccoli, chopseuy at lumpia.
"Nan'diyan ka na pala anak. Halika na, ito ang pinadala ni Arnel sa iyo. Mabuti nagkaayos na kayo. Bukas daw susunduin ka niya." Wika ni Papa. Hindi na ako nagsalita pa. Ngumiti lang ako saka umupo na sa upuan. Pagkatapos ni Mama magdasal nag-umpisa na rin kaming kumain.
"Kailan kayo nag-usap ni Arnel anak?" Tanong ni Mama.
"Kanina Ma." Maikling sagot ko kahit hindi naman totoo. Ayaw ko na mag-alala pa sila sa akin.
"Mabuti naman kung ganun." Wika naman ni Papa. Tumango lang ako at kumain. Ayaw ko sana kumain ng binigay ni Arnel pero ayaw ko naman maghinala sila Mama at Papa. Kunti lang ang kinain ko at uminum ng gamot. Pagkatapos nagpaalam na ako sa kanilang dalawa na mauna nang matulog para mawala ng tuluyan ang sakit ng ulo ko. Pagpasok ko sa kwarto nakita ko ang cellphone ko na umiilaw. Kaya umupo ako sa kama saka kinuha ang cellphone ko.
"How are you feeling?" Basa ko sa message. Hindi ako nag reply dahil kay Arnel galing. Pinapatanong ko balik ang cellphone sa side table ng may message ulit na dumating.
"Pinapatanong ni Mommy kung kamusta ka." Basa ko ulit sa message. Hindi ako nag reply at pinatay ang cellphone ko. Pagkatapos humiga na ako ulit para matulog. Maaga ako'ng nagising kaya ginawa ko kaagad ang daily routine ko. Pagkatapos ko'ng mag-ayos lumabas na ako sa aking silid para pumunta ng munusipyo. Nakita ko si Mama at Papa na kumakain ng almusal dahil pupunta din sila sa groceries store namin.
"Ma, Pa, Good morning po, Mauna na po ako. Sa canteen nalang sa munusipyo ako kakain." Paalam ko Mama at Papa.
"Mag-ingat ka anak. Akala namin susunduin ka ni Arnel?" Tanong ni Mama.
"Sa labas ko nalang siya hintayin, Ma." Pagsisinungaling ko. Paglabas ko ng bahay sakto may trysikel na dumating kaya sumakay ako kaagad. Nakita ko nga ang sasakyan ni Arnel na parating kaya sinabi ko kay Manong driver na bilisan ang pagpatakbo dahil ma li-late na ako sa trabaho. Yumuko ako para hindi ko makita si Arnel. Nang malagpasan namin siya nakahinga ako ng maluwag. Pagdating ko sa munusipyo binata ko ang mga nakasulubong kong mga empleyado din ng munusipyo.
"Jerlyn alam mo na ba?" Tanong sa akin ni Nancy na isang clerk.
"Ang alin?" Inosenting tanong ko sa kanya.
"Alam mo ba na si Jomar nilipat sa capitol kay Gov. Nagulat nalang kami na nagpaalam siya kahapon sa amin pagkatapos niyang kumain ng lunch. Magkasama kami kahapon kumain sa canteen. Pagbalik namin sa opisina sinabi ng bodyguard ni Mayor na lilipat na siya sa opisina ni Gov." Pag kwento ni Nancy. Nagtaka ako kung bakit at ano ang rason. Magtatanong pa sana ako kay Nancy nang makita namin na dumating na si Arnel kaya nagpaalam na ako na mauna na sa kanya. Narinig ko naman sila na binabati si Arnel. Diretso lang ako sa paglakad hanggang sa makarating ako sa aking mesa. Naramdaman ko ang kanyang presinsya ngunit parang wala ako'ng nakita o narinig. Yumuko ako at kunwari na may inaayos ako'ng mga papelis. Narinig ko nalang ang pagbukas at pagsara ng kanyang pintuan.
"Good morning ma'am secretary." Bati sa akin ng body guard ni Arnel. Ngumiti ako at binati din siya pabalik. May hawak siyang kape at binigay sa akin.
"Pinabibigay ni Mayor este ni Ma'am Mina pala." Sabi ng body guard habang naka hawak sa kanyang ulo. Kinuha ko at nagpasalamat. Pagkatapos pinagpatuloy ko ang aking ginagawa.