CHAPTER THREE

1145 Words
JERLYN "Congratulations frenny!" Bati ko ulit kay Joy Nandito na kami ngayon sa kanilang bahay sa reception ng kasal nila ni Brent. Sobrang saya ko para sa kanila ni Brent. Alam ko ang hirap na pinagdaanan ng kaibigan ko, mula n'ong may nangyari kay Tito Eric, n'ong nalaman namin na buntis siya at pinanganak niya si Brianna. Sobrang proud ako sa kaibigan ko nakayanan niya lahat na pagsubok na dumating sa buhay niya. Kaya deserve niya ngayon kung ano man ang mayruon sa buhay niya. Lalo pa na nakilala niya ang kanyang totoong papa. "Salamat frenny, sana ikaw maging masaya na rin kayo ni Arnel. Kamusta kayo kagabi? Nakapag usap ba kayo? Ramdam namin na mahal ka naman ni Arnel at nagselos siya kagabi. Sana magkausap na kayo ng maayos." Wika ni Joy. "Huwag na muna natin pag-usapan iyun frenny. Kailangan maging masaya tayong lahat dahil kasal mo. Isantabi muna natin ang tungkol sa amin ni Arnel. Kailangan ko din muna magbakasyon. Hindi na talaga siguro darating na magkabalikan kami." Wika ko kay Joy at pilit na pinalakas ang aking boses. Niyakap ako ni Joy saka niyaya na ako'ng kumain. Habang kumakain kami nag announce ang emcee na pumunta sa gitna dahil kailangan nang ihagis ni Joy ang bulaklak. Ayaw ko'ng makisali kaya nanatiling lamang ako sa aking upuan. Ngunit nagulat nalang ako na sa akin napunta ang bouquet. Naghiyawan ang mga kaibigan ko nang binigay ni Brent ang garter kay Arnel. Ayaw ko naman maging KJ sa kasal ng kaibigan ko kaya hinayaan ko na ilagay ni Arnel ang garter sa paa ko. Nang hanggang sa tuhod ko na ang garter mabilis ako'ng tumayo at kaagad na lumabas ng bahay ni Joy. Ayaw ko na magka isyu kami dahil may girlfriend na siya. Akala ko nga nuon kaya ko ng mag move on. Pero hindi ko pala kaya. Pero ngayon, nakapag desisyon na ako na tuluyan na siyang kalimutan dahil ikakasal na siya sa ibang babae. ---------------FLASH BACK --------- "Mayor may girlfriend ka ba na iniwan sa ibang bansa?" Tanong ni Albert. Team building namin kaya nandito kami sa resort. Gumawa ng bonfire ang mga kasamahan ko at dito kami mag-usap habang napalibutan namin ang bonfire. Kasama din si Arnel. Naglaro kami ng spin the bottle kaya nang kay Arnel natuon ang bibig ng botelya iyun ang tanong ni Albert sa kanya. "Yeah! We're engaged." Sagot ni Arnel. Parang sinaksak ng pinong-pino ang aking dibdib sa narinig. Yumuko ako at pa simple na pinunasan ang aking luha. Sobrang sakit, ang akala ko may chance pa dahil palagi siyang nagpadala ng pagkain sa bahay pero baka talaga si Tita lang ang may gawa. Pagdating ng lunes maaga pa rin ako'ng pumasok sa opisina. Habang inaayos ang mga papelis. Dumating si Arnel at may kasamang magandang babae nakahawak pa ito sa kanyang kamay. Dumiretso lang silang dalawa sa loob ng kanyang opisina. Kaya hindi ko naman maiwasan na tumulo ang aking luha. Buong hapon sila na hindi lumabas sa loob ng opisina. May dumating pa na pagkain para sa kanilang dalawa. Ang akala ko nga bibigyan ako ni Arnel pero lumabas lang sila ng babae na walang binigay sa akin. Ngumiti pa ang babae sa akin bago sila tuluyan umalis. Mabigat ang loob ko na lumabas din ng munusipyo. Naisipan ko na dumaan sa kubo para magpahangin. Ngunit pagdating ko sa kubo, nandun si Arnel kasama ang babae. Kaya umalis ako kaagad pauwi sa bahay. Mabuti nalang pagdating ko sa bahay wala pa si Mama at Papa kaya dumiretso ako sa kwarto at duon umiyak ng umiyak. Kinabukasan pumasok pa rin ako para hindi mahalata ni Mama at Papa na may problema ako. Habang nasa mesa ako, nag search ako sa mga lugar na magandang puntahan. 2 days before, kasal na ni Joy. Kaya balak ko pagkatapos ng kasal ni Joy aalis muna ako para makapag isip-isip ng maayos at tuluyan ng kalimutan si Arnel. Kung hindi niya na talaga ako mahal. Ayaw ko nang ipilit ang sarili ko sa kanya. Sabi nga nila kung mahal mo, handa ka mag give way kung saan siya masaya. Kaya kailangan ko na siyang bitawan. ------------END OF FLASH BACK------------- "Can we talk please." Nagulat ako ng marinig ko ang boses ni Arnel sa likuran ko. Dito ako dumiretso sa kubo paglabas ko sa bahay nila Joy. Pinahiran ko ang aking luha at hindi siya sinagot. Nanatili akong nakatalikod habang nakatingin sa malaking puno. Naka-ukit pa ang pangalan naming dalawa. Nagulat ako ng niyakap niya ako mula sa aking likuran. "I'm sorry, I miss you! Please let's talk baby." Wika niya malapit sa puno ng aking tainga. Nagulat ako sa tinawag niya sa akin. Dahil iyun ang indearment namin nuon n'ong kami pa. Gusto ko sanang lumayo ngunit mas humigpit ang yakap niya sa akin. Pinatong niya din ang kanyang ulo sa aking balikat. "I'm sorry, please let's talk. I miss you. I'm sorry kung pinaiyak kita. I'm still in love with you. I'm sorry kung naging gago ako n'ong bumalik ako dito." Wika niya sa garalgal na boses. Tahimik lamang ako dahil hindi ko alam ang magiging reaction o sasabihin ko. "I love you since day one I met you. I'm sorry kung naging duwag ako pagbalik ko. Aaminin ko nasaktan ako nuon sa ginawa mo. Pero mas matimbang ang pagmamahal ko sa iyo. Natatakot lang ako na baka hindi mo naman ako paniwalaan. Kaya sa halip na kausapin ka pagdating ko, mas pinili ko na maging cold sa iyo. Pero habang naging cold ako sa iyo mas doble ang sakit na naramdaman ko. Kaya ngayon hindi ko na kaya baby, I miss you so much. I love you." Patuloy na sabi ni Arnel. May naramdaman ako'ng basa sa aking balikat. Tanda na umiiyak siya. Parang gusto ko na siyang yakapin at sabihin na mahal ko din siya. Ngunit nang biglang naalala ko ang sinabi niya na engaged na siya at ang kasama niyang babae ng buong araw sa loob ng kanyang opisina at dinala niya pa dito. Bigla ko siyang tinulak ng malakas. Hindi niya napaghandaan ang ginagawa ko kaya nabitawan niya ako. Lumayo ako sa kanya at masama ko siyang tiningnan habang pinupunasan ang aking luha. "Pinaglaruan mo ba ako? Kung plano mo na saktan at gusto mo'ng mag dusa ako dahil sa ginawa ko nuon sa iyo tigilan mo na ako. Anong akala mo sa akin mauuto mo. Ikakasal ka na sa ibang babae. Anong plano mo sa akin, gawin mo ako'ng kabit?" Pagalit ko'ng sigaw sa kanya. Sa halip na layuan niya ako, ngumiti siya at mabilis na lumapit sa akin. Hinawakan niya ang aking ulo at siniil niya ako ng halik sa labi. "Ikaw ang mahal ko, ikaw lang ang gusto kong pakasalan. Ikaw lang ang gusto ko'ng makasama habang buhay. Mahal mahal kita baby." Wika ni Arnel habang patuloy ako'ng hinalikan sa labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD