CHAPTER FOUR

1103 Words
JERLYN "I miss you, baby." Sabi sa akin ni Arnel habang nakayakap siya sa akin mula sa aking likuran. Nakatayo pa rin kami dito sa malaking puno. Pagkatapos niya ako'ng halikan umiwas ako sa kanya ngunit kaagad niya ako'ng niyakap. Iniisip ko pa rin kasi ang sinabi niya nuon na engage na siya at ang kasama niya nuon na magandang babae sa loob ng kanyang opisina. "Akala ko ba engage ka na? At sino ang babae na kasama mo sa loob ng opisina mo?" Tanong ko sa kanya. Mahina naman siyang tumawa kaya gusto ko'ng makawala sa kanyang yakap. "Naalala mo ba na may binigay si Daddy na pinermahan mo? Hindi mo ba na basa ang nakasulat bago ka nag perma? Ang nakasulat lang naman duon ay, na kapag bumalik ako ng Pilipinas ay engage na kaagad tayo. Saka ang kasama ko sa loob ng opisina ko, kaibigan ko lang siya. Siya ang kasama ko n'ong nasa states ako. Actually hindi naman talaga siya babae. I mean babae siya, pero gusto niya ay isang babae din. I'm sorry, ang totoo pinag selos lang kita. Kaya kami nagtagal sa loob dahil ayaw niya pang umuwi at gusto ka niyang makilala dahil crush ka daw niya. Kaya ayaw ko siyang palabasin sa opisina ko. Para hindi ka niya makilala, sinamahan ko siyang lumabas para hindi ka niya makausap. Alam ko din na nakita mo kami dito. I'm sorry baby, kahit pinapa selos kita. Ako pa rin ang nasasaktan, kaya hindi ko na kayang pigilan pa ang damdamin ko. I miss you and I love baby. Please tayo na ulit." Aniya habang nakapatong ang kanyang ulo sa aking balikat. May kung anong saya sa puso ko sa narinig mula sa sinabi niya. Kay tagal ko'ng naghintay na sabihin niya muli na mahal niya ako. Mahal na mahal ko din siya, kaya dahan-dahan ako'ng tumango. Hinawakan ni Arnel ang aking balikat at dahan-dahan niya ako'ng pinaharap sa kanya. "Baby, please say that you still love me too." Wika niya sa namamaos na boses. "I-i love you Arnel." Pagkasabi ko bigla niya nalang ako'ng hinalikan sa labi. Nakapikit pa ito habang patuloy ako'ng hinalikan. Pumikit din ako saka humawak sa kanyang balikat at tumugon din sa kanyang mga halik. Patuloy ang aming halikan at saksi na naman ang malaking puno at ang kubo sa muli naming pagbablikan ni Arnel. Dito ko siya sinagot nuon at sa pangalawang pagkakataon dito ko ulit siya sinagot. "I love you so much baby?" Malambing na sabi ni Arnel ng maghiwalay ang aming mga labi. Pinagdikit niya ang aming noo habang hinahaplos ang aking labi. Sobrang bilis pareho ang pagtibok ng aming puso. Pareho kaming nakangiti na nakatingin sa isa't-isa. Maya-maya naglapat na naman ang aming mga labi. Nanatili pa kami ng dalawang oras sa kubo bago nagpasya na umuwi. Magkasama kami na umuwi sa bahay para makausap ang aking mga magulang. Sobrang masaya si Mama at Papa ng sinabi ni Arnel na nagkabalikan na talaga kaming dalawa. Pagkatapos mag-usap ni Arnel at nga magulang ko. Nagpaalam si Arnel na isama ako sa kanilang bahay para sabihin din sa kanyang mga magulang na officially nagkabalikan kami ulit ni Arnel . Nagbihis muna ako ng damit at nagpaalam sa magulang ko na pupunta muna sa bahay ni Arnel. "Are you nervous baby?" Tanong ni Arnel habang nasa byahe na kami. Napansin niya yata na panay ang boga ko ng malakas na hangin. Kahit na alam ko rin naman na gusto ako ni Tito Arley at Tita Mina para kay Arnel. Pero hindi ko maiwasan na kabahan. "Medyo." Sagot ko kay Arnel. Pinisil ni Arnel ang aking kamay saka dinala sa kanyang labi upang halikan. "Sigurado ako na masaya si Mommy at Daddy kapag malaman nila na nagkabalikan tayo. Sa tuwing uuwi ako galing opisina tinatanong kaagad ni Mommy kung nagkabalikan na ba tayo. Kapag sinabi ko na hindi pa tayo nakapag usap. Mag-umpisa na naman si Mommy na kakabunganga sa akin." Wika ni Arnel. "Si Tita ba ang nagpapadala ng pagkain sa bahay?" Tanong ko kay Arnel ng maalala ko ang mga pagkain na pinapadala niya sa bahay. Ngumiti siya at umiling. "Ako baby, at walang alam si Mommy. Dinadahilan ko lang si Mommy para kainin mo pati ang binibigay ko na pagkain sa opisina." Nakangiti na sabi ni Arnel. "Ang pag lipat kay Jomar sa capitol alam mo din ba, o jkaw talaga ang may gawa?" Tanong ko ulit kay Arnel ng maalala ko si Jomar. Umiwas siya ng tingin sa akin at tinuon ang mata sa kalsada. "Arnel?" May pagbabanta ko'ng sabi. "Yeah!" Maikli niyang sagot. "I'm jealous, kaya kinausap ko si Daddy na ilipat si Jomar sa kanya. Ang sakit niyo sa mata habang nag-uusap kayo sa labas." Wika niya, napaawang ang labi ko sa kanyang sinabi. Magtatanong sana ako kung paano niya kami nakita ni Jomar ng magsalita siya ulit. "I put the camera outside para makita kita, kaya nakikita kita at nakikita ko din kung sino ang kausap at ano ang ginagawa mo. Kaya nakita ko kung paano ka tingnan ni Jomar. Alam kung may gusto siya sa iyo. Kaya baka maunahan niya pa ako sa iyo, nilipat ko siya kay Daddy. Mabuti nga nilipat ko pa siya kaysa tinanggal." Aniya. "Arnel." Sambit ko at medyo napalakas ang boses ko. "I'm sorry, nagseselos lang ako baby." Aniya sa mahinang boses. Tumango nalang ako at hindi na nagsalita pa. "Baby galit ka ba?" Tanong ni Arnel nang hindi ako nagsalita. "Hindi, nagulat lang. Ayaw mo ako'ng kausapin nuon may pa camera, camera ka pa'ng nalalaman. Nakita mo pala kung ilang beses ako'ng umiiyak. Pero tiniis mo pa rin ako." Sungit-sungitan ko'ng sabi. "Sorry na baby, sa tuwing nakikita kita na umiyak mas doble ang sakit na naramdaman ko. Natatakot lang ako na kausapin at lapitan ka dahil iniisip ko na baka hindi mo naman ako paniwalaan. Na kunting makita at malaman mo sa akin magagalit ka. Na baka kung madaliin ko, mauuwi naman sa hiwalayan. Kaya tiniis ko na makita ka na nahihirapan at umiiyak ng dahil sa akin. But this time babawi ako sa iyo. Just promise na kapag may makita at marinig ka tungkol sa akin tatanungin mo muna sana ako at ganun din ako sa iyo. Para hindi na maulit ang nangyari nuon sa atin. Halos ika-baliw ko iyun ang nangyari sa atin nuon." Saad ni Arnel. Nakaramdam naman ako ng konsensiya at guilt sa ginawa ko. Dahil ako naman talaga ang may kasalanan nuon. "Sorry." Mahinang sabi ko. Ngumiti lang siya at mabilis niya akong hinalikan sa labi. Nasa harapan na pala kami ng kanilang bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD