ARNEL "Hello baby, Angel! Kamusta ka dito? Baby sana h'wag ka'ng magtampo kay Mommy kung limang buwan na siyang hindi nakapunta dito. Pero malapit na siyang magising baby Angel. Kapag magising si Mommy at makalabas ng ospital. Dito kami sa bahay mo matutulog kasama ng mga kapatid mo. Kaya sana baby paki bulong kay Mommy na gumising na siya. I love you baby Angel. Kahit may mga kapatid ka na, ikaw pa rin ang baby namin. Sana masaya ka diyan kasama si Papa Jesus." Wika ko, habang hinahaplos ko ang pangalan ni baby Angel. Inayos ko rin ang bulaklak na binili ko para sa kanya. "Alam mo baby, ang lakas ng mga kapatid mo sa loob ng tummy ni Mommy. Kapag lumabas sila at lumaki sila na ang kasama mo dito sa bahay. Dito sila maglalaro para may kasama ka. Kaya gabayan mo kami baby Angel. Ikaw An

