JERLYN "Gusto mo ba pa baby?" Malambing na tanong ni Arnel sa akin nang maubos ko ang soup na sinubo niya sa akin. Umiling ako saka yumakap sa kanyang kamay. "Salamat, Daddy pero busog na ako. Balik mo na ang bowl sa mesa saka bumalik ka dito. Gusto kitang mayakap." Paglalambing ko sa kanya. Ngumiti siya saka tumayo upang dalhin sa mesa ang pinagkainan ko. Nakasandal ako sa kama kaya hinahaplos ko ang aking tiyan. Hindi ako makapaniwala kanina n'ong sinabi ni Arnel at Den-Den na limang buwan ako'ng hindi nagising at limang buwan na rin ang tiyan ko. Alam ko naman na buntis ako dahil nag pregnancy test ako bago naligo n'ong araw sana ng kasal namin. Pero hindi nga natuloy dahil kay Gwen. Mas lalong nagulat at hindi ako makapaniwala na lima ang babies namin. Dalawang lalaki at tatlong bab

