JERLYN "Ang gwapo mo Dok Tom. Pwedi ho ba pa hawak ng pisnge mo" pa cute na sabi ko kay Doktor Tom. Nalaman ko na sila pala ang Doktor ko habang naka comatose ako. Nakita ko si Arnel na nag isang linya ang guhit ng kanyang noo. Tumawa naman si Doktor Mat. "Baby, bakit gusto mo'ng hawakan ang mukha ni Doktor Tom? Saka bakit sinabi mo'ng gwapo siya? Akala ko ba, ako ang gwapo sa paningin mo. Saka ako ang Asawa mo baby." Wika ni Arnel na parang bata. Tumawa naman si Doktor Tom at Doktor Mat. "Sure , Mayora. You can touch my beautiful face." Nakangiti na sabi ni Doktor Tom. Kaya sa sobrang tuwa ko. Kaagad ko'ng hinawakan ang mukha ni Doktor Tom. Kinurot ko pa ito na parang pinangigilan. Ang cute cute talaga na para ba'ng gusto ko pa'ng halikan. "Mayor, parang si Doktor Tom pa ang pinaglih

