Habang nag dedeliver ako ng balita at nakatutok ang mata ko sa camera ay hindi ako mapakali. Paano ba naman kasi kanina pa ako tiningnan ni Finn at kahit na hindi ako nakatingin sa kanya ay alam na alam ko na nakatingin siya sa akin. ”Ito po si Ednalyn Makatas Sabellena ang inyong taga balita, Magandang gabi.” Saad ko sa laging huli kong sinasabi bago mag tapos ang Balitang ACC. Agad akong yumuko at inayos ang mga gamit ko na nasa table. “Ganyan ka ba talaga ka disperada Miss Sabellena?” napatigil ako at napatingin kay Miss Reyes ng magsalita siya sa aking likod. “Wala akong oras para paki pag usap sayo.” Walang emosyon na saad ko. Ngumisi naman siya at lumapit sa akin at taas noo ko naman sinalubong ang tingin niya. “What do you want?" Tanong ko sa kanya. “Ang kapal din ng mukha mo

