"WHAT THE FU*K IS THIS, ERIC?!" Nanlalaki ang mga mata nito nang makita silang parehong hubad at nasa isang hindi kaaya-ayang posisyon. Dahil sa gulat ay pareho silang hindi nakagalaw ni Eric. Nanatili sila sa ganoong posisyon. Mabilis na nakalapit ito sa kanila sabay hawak sa buhok niya at haltak sa kanya pababa ng kama kaya napahiwalay siya kay Eric. Galit na galit itong sumakay sa ibabaw niya at pinagsasampal siya sa magkabilang pisngi! "HOW DARE YOU SEDUCE MY MAN, b***h!" Galit na galit ito. Pakiramdam niya ay magang maga na ang mukha niya sa ginagawa nito. "I WILL KILL YOU!" Tila doon lang nagising si Eric at mabilis na inilayo ang babae sa kanya. "Stop it, Vanessa!" Ito naman ang hinarap ng babae at galit na pinagsasampal. "AREN'T YOU SATISFIED WITH ME, ERIC?! YOU JUST

