"Welcome to my humble abode," napanganga siya sa mala-palasyong bahay nito. Halos bumagsak ang panga niya sa lupa dahil doon. "Tomorrow, I will tour you around but tonight, let's enjoy the party first," at hinaltak na siya nito papasok ng malaking bahay. Nakapasok na siya sa bahay ng mga Villaluz at malaki rin ang bahay ng mga ito ngunit iba ang laki ng bahay nila Suzy! Literal na palasyo yata ito! Umakyat sila sa magiging kuwarto niya na napakalaki at inilapag doon ang mga gamit niya ngunit muli siyang hinaltak nito palabas. Nagpunta sila sa kuwarto nito kung isaan sila aayusang dalawa. May mga naroroong gowns na pamimilian nila para maisuot mamaya. Anim na babae ang nag-asiste sa kanila. Pinaghilamos shower muna sila ng mga ito at pinagsuot ng roba. Pati ang mga isusuot nilang

