Nakatanggap siya ng text mula kay Eric na hindi daw ito makakatawag nang araw na iyon. Ayon sa asawa ay busy ito sa dahil kailangang mag-practice ng sword fighting at mag-memorize ng linya. Napabuntong-hininga siya. Tinatamad na ibinalik niya ang mobile sa side table. Pagkatapos kasi niyang magpa-check up noong kasama niya si Louise, nag-follow up check up siya after two weeks. Talagang negative. Ung pag-asang makakabuo sila dahil delayed pa din siya ay malabo na talagang mangyari. Alam niyang excited na din ito na magka-baby sila dahil noon pa man, iyon na ang inuungot nito sa kanya. Ngayon pa naman niya sana balak iyon sabihin sa asawa ngunit ayaw niyang i-text lang iyon. Alam niyang mag-aalala ito at baka makaabala pa siya sa trabaho nito. Ibinagsak niya ang sarili sa kama

