Bumalik na silang lahat sa Manila. Inihatid sila ng buong pamilya ng Ate Kits niya. Sa mansyon ng mga ito sa Corinthians sila tumuloy. Matagal na kasi nilang ipinagbenta ang bahay nila sa Guadalupe, ngunit ang ukay-ukay ay nandoon pa rin. May nag-babantay na nga lang niyon para sa kanila. "We will fly tomorrow," sabi ni Ajerico sa kanila. May trabaho pa ang dalawang iyan," sabay nguso sa kambal na sina Alaric at Adalric. Ang kambal na kasi ang may hawak ng AV International. Napakabilis talaga ng panahon samantalang mga teenagers pa lang ang mga ito nang huli niyang makita. Though Ajerico is still guiding the twins, he seldom goes to the office. Mas gusto nitong makasama lagi ang asawa. He's only in his fifties but he decided to lay-low early. Mabuti na lang at parehong maasa

