"Lou," kumatok siya sa pintuan ng kuwarto nito. Hindi na kasi niya nagawang tawagan ang kaibigan dahil mas gusto niyang kausapin ito nang personal. Ang labi niya ay kusang ngumingiti. Kilig na kilig siya. "Yes?" Nakataas ang kilay nito nang magbukas ng pinto ngunit nakangiti naman. "What can I do for you, lovely sister-in-law?" "Ano kasi, Lou," ayun na naman! Ung kilig niya hindi niya mapigil! Kitang-kita sa mukha niya! Nag-tataka ang tingin na ibinigay nito sa kanya dahil hindi maalis ang ngiti niya. "Anong meron?" Umabsiyerte siya sa kaibigan. "Alam kong flight mo na bukas pero since gabi pa naman ang alis mo, will you please come with me muna, sa OB? May kakilala ka ba?" "Hhhmmm. Tanungin natin si Ate Kits. May OB siya dito sa Manila eh," sagot nito sa kanya. "Baki

